For the English version of this article, click here.
Ang paggawa ng mga nakaka-engganyong product video sa Shopee Video ay maaaring makapag-pataas ng iyong mga view at order. Narito ang ilang magagandang gawin upang mamukod-tangi ang iyong mga video:
Demonstrate Product Usage
Ipakita sa mga manonood kung paano gamitin ang produkto sa real-life situations. Ito man ay pagsusuot ng damit, paggamit ng appliance, o paglalagay ng makeup. Ang isang functional demonstration ay makakatulong sa mga manonood na mas maunawaan ang produkto.
Highlight Key Features
Ipakita kung bakit espesyal ang iyong produkto. Ipagmalaki ang magandang materyales ng isang clothing item, ang iba’t ibang gamit ng isang appliance, o ang mga bagong kulay ng isang phone case. Makakatulong ito na makita ng mga manonood ang mga natatanging katangian ng iyong produkto.
Share Your Personal Review
Sabihin sa iyong mga manonood kung ano ang gusto mo tungkol sa produkto. Maaaring sa pamamagitan ng unboxing video, ng user review, o simpleng pagtukoy ng iyong mga paboritong aspeto habang hawak mo ang produkto. Ang mga personal insight ay nakapagdaragdag ng tiwala at kredibilidad sa produkto.
Kapag nakagawa ka na ng iyong video, pindutin ang Add Product at piliin ang mga nais na item. Ito’y para masigurado na madaling mahahanap at mabibili ng mga manonood ang mga produktong itinampok mo sa iyong video.
Upang higit pang mapaganda ang iyong Shopee Video, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
1. Add Products: Pumili ng mga produkto mula sa mga trending categories gaya ng Fashion & Beauty o Home Appliances. Tiyaking tingnan kung may mga available Shopee Video vouchers na maaaring ipang-engganyo sa mga mamimili.
2. Enhance Video Quality: Higit pa sa paggawa ng mga product demonstration, pagandahin pa ang iyong video sa pamamagitan ng paggamit ng mga sticker at effects na available sa Shopee Video. Tiyakin din ang mataas na kalidad na pag-record at magandang lighting upang maakit ang mga manonood.
3. Promoting Your Videos: I-share ang iyong Shopee Video link sa social media para maraming makakita at maakit na potential buyers.
Sa pagsunod sa mga gawin ito, kaya mong mapataas ang iyong view at sales. Tandaan, ang pagpapakita ng produkto in action, pag-highlight ng mga features nito, at pagbabahagi ng tunay na damdamin ay ang susi sa tagumpay.
Alamin ang iba pang tungkol sa paggawa at pag-edit ng iyong Shopee Video.