For the English version of this article, click here.
SPayLater – Ang Buy Now, Pay Later (BNPL) ay isang feature ng SPayLater na nagbibigay-daan sa'yo na mamili sa Shopee at magbayad nang mas madali sa susunod na due date mo. Ngayon, puwede mo nang i-convert ang BNPL purchases mo into installments nang walang extra cost para mas madaling i-manage ang gastos mo.
Gawing Installment ang iyong BNPL
Pumunta sa SPayLater sa app > Mag-scroll pababa at piliin ang Convert into Installment > Piliin ang BNPL transaction > Next > I-review ang installment amount > Pumili ng payment term > Tingnan ang buwanang breakdown (hindi pa kasama ang processing fees) > Confirm.
Maaari mong i-confirm ang BNPL conversion sa Transactions page at hanapin ang mga item na may label na CONVERTED.
⚠️ Tandaan • Ang conversion sa installments ay available lang para sa SPayLater transactions. • May pagbabago sa interest at fees depende sa bagong installment transaction. Ang promotional interest ay maaaring hindi na magpatuloy. • Ang BNPL transactions ay puwedeng i-convert lang kung hindi pa ito naka-mark bilang Order Completed. • Siguraduhing maingat na i-review ang iyong transactions bago i-confirm. Kapag na-convert na, hindi na ito maibabalik sa BNPL. |
FAQs
Q: Saan at paano ko maico-convert ang BNPL transactions?
A: Pumunta sa SPayLater Homepage o Transaction Page > piliin ang Convert into Installment.
Q: Pwede ko bang i-convert ang SLoan o ibang transaction sa installment?
A: Hindi, tanging SPayLater BNPL transactions lang na hindi pa naka-mark bilang Order Completed ang puwedeng i-convert. Ang feature na ito ay eksklusibo para sa mga order na nagmula sa SPayLater.
Q: Gaano katagal ang BNPL conversion at paano ko malalaman kung successful ito?
A: Real-time itong nangyayari, at makakatanggap ka ng confirmation notification.
Q: Bakit hindi ko ma-convert ang isang transaction?
A: Wala kang eligible BNPL transactions sa ngayon. Dapat ang BNPL transaction amount ay higit sa Php 1.00, at ang status ng transaction ay hindi pa Order Completed.
Q: Pwede ko bang i-partially convert ang BNPL transaction?
A: Hindi, kailangang buong transaction ang i-convert.