For the English version of this article, click here.
Q: Paano ako mag-subscribe sa Shopee VIP?
A: Pumunta sa Me > Shopee VIP > Subscribe. I-confirm ang payment gamit ang iyong ShopeePay PIN o facial verification. Kapag successful, makakakita ka ng confirmation pop-up at magiging active agad ang iyong benefits.
Q: Kailangan ba ng ShopeePay para makapag-subscribe?
A: Oo. Kailangan mong magkaroon ng active at verified na ShopeePay account para sa payment authentication.
Q: Maaari ba akong pumili ng ibang plan?
A: May tatlong plans ang Shopee VIP:
1 month
6 months
12 months
Q: Anong payment methods ang tinatanggap?
A: Maaari kang magbayad gamit ang alinman sa mga sumusunod na payment methods. Gagamitin ni Shopee ang napili mong payment method sa bawat renewal.
ShopeePay
SPayLater
MariBank
Credit/Debit Card
Linked Bank
Q: Ano ang Payment Sequence para sa Shopee VIP?
A: Ang Payment Sequence ay nangangahulugan na kung mag-fail ang payment mula sa iyong preferred payment method, susubukan ni Shopee ang iba mo pang linked payment methods isa-isa hanggang sa matagumpay na ma-charge ang subscription fee upang maiwasan ang interruption ng iyong VIP benefits.
Q: Maaari ko bang baguhin ang aking payment method?
A: Upang baguhin ang iyong payment method, pumunta sa ShopeePay Settings > Linked Services > Preferred Payment Methods at i-update ang iyong payment preferences.
Q: Kailan ako sisingilin para sa subscription ko?
A: Makikita ang iyong recurring billing date sa VIP page.
Q: Ano ang mangyayari kung mag-fail ang payment sa renewal?
A: Kung hindi ma-charge ni Shopee ang iyong registered payment methods, makakansela ang iyong subscription at matatapos ang iyong VIP perks. Maaari kang mag-subscribe muli anumang oras pagkatapos maayos ang iyong payment method.
Q: Maaari ko bang i-cancel ang Shopee VIP anumang oras?
A: Oo. Maaari mong i-cancel ang iyong subscription anumang oras sa pamamagitan ng pagpunta sa Me > Shopee VIP, pagkatapos ay mag-scroll sa ibaba ng page, pagkatapos ng Terms & Conditions, at piliin ang Cancel Subscription. Siguraduhing mag-cancel nang hindi bababa sa 1 day bago ang iyong renewal date upang maiwasang ma-charge para sa susunod na billing cycle. Mae-enjoy mo pa rin ang iyong VIP benefits hanggang sa katapusan ng kasalukuyang billing cycle. Pagkatapos nito, hindi na mag-a-apply ang iyong VIP perks.
Q: Maaari bang pagsabayin ang VIP vouchers sa iba pang vouchers o promos?
A: Hindi maaaring i-stack ang VIP vouchers sa ibang platform-wide discount vouchers. Gayunpaman, maaaring i-stack ang VIP perks sa shop vouchers, payment promos, at Shopee Coins.
Q: Sino ang maaaring gumamit ng ₱249 MariBank voucher?
A: Ang voucher na ito ay para lamang sa first-time Shopee VIP subscribers na hindi pa kailanman gumamit ng MariBank bilang payment method.
Q: Maaari ko bang gamitin ang mga hindi nagamit na vouchers sa susunod na buwan?
A: Hindi. Ang VIP vouchers at benefits ay may nakatakdang expiry date at hindi maaaring i-carry over sa susunod na buwan.
Q: Maaari bang i-share ng maraming accounts ang isang VIP subscription?
A: Hindi. Ang VIP privileges ay non-transferable at naka-link lamang sa Shopee account na nag-subscribe.
Q: Ano ang Priority Customer Service?
A: Ang Priority Customer Service ay nagbibigay-daan sa user na makalampas sa queue upang makakonekta agad sa isang customer service representative at makatanggap ng prioritized handling para sa mas mabilis at mas maayos na experience.
Q: Ano ang VIP Mondays?
A: Ang VIP Mondays ay isang exclusive event para sa mga VIP subscribers kung saan makakatanggap sila ng karagdagang benefits tuwing Lunes. Kabilang dito ang access sa exclusive grocery deals collection at sure-win Shopee Shake reward.
Q: Ano ang Shopee VIP Monday Shopee Shake?
A: Ang Shopee VIP Monday Shopee Shake ay isang Shopee Prizes game kung saan maaaring makakuha ang VIP members ng sure-win coins tuwing VIP Monday sa pamamagitan ng pag-shake ng kanilang device.
Q: Gaano kadalas ako maaaring sumali sa Shopee VIP Monday Shopee Shake?
A: Available lamang ang Shopee VIP Monday Shopee Shake sa mga VIP subscribers tuwing VIP Monday. Maaaring sumali ang VIP subscribers nang isang beses sa bawat VIP Monday.
Q: Ilang beses ako maaaring sumali sa Shopee VIP Monday Shopee Shake?
A: Maaaring sumali ang Shopee VIP subscribers nang isang beses sa bawat VIP Monday.
Q: Maaari bang i-stack ang Daily VIP Free Shipping Discount voucher at Daily VIP Discount voucher?
A: Oo. Maaaring i-stack ang Daily VIP Free Shipping Discount voucher at Daily VIP Discount voucher.
Q: Kailan ako maaaring bumili mula sa exclusively rebated collection?
A: Maaaring bumili ang Shopee VIP subscribers mula sa exclusively rebated collection tuwing Lunes.
Q: Sino ang maaaring bumili mula sa exclusively rebated collection?
A: Tanging Shopee VIP subscribers lamang ang maaaring bumili mula sa exclusively rebated collection.
Q: Magagamit ko pa ba ang ChatGPT Go Free Trial kung i-cancel ko ang aking Shopee VIP subscription?
A: Hindi. Kapag kinansela ng user ang Shopee VIP subscription, mawawala rin ang ChatGPT Go Free Trial.
Q: Sino ang eligible na mag-claim ng ChatGPT Go Free Trial?
A: Tanging Shopee VIP subscribers lamang ang eligible na mag-claim ng ChatGPT Go Free Trial. Kailangan ding may active credit card ang user at hindi pa dati naka-subscribe sa ChatGPT Plus, Pro, o Go.
Q: Matatapos ba ang aking ChatGPT Go subscription kung ititigil ko ang Shopee VIP subscription bago matapos ang 3 months?
A: Oo. Matatapos ang iyong ChatGPT Go subscription kung i-cancel mo nang maaga ang iyong Shopee VIP subscription.
Q: Paano ko ika-cancel ang aking ChatGPT Go subscription bago matapos ang libreng 3-month trial?
A: Maaari mong i-cancel ang auto-renewal anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa Manage button sa Account Settings page ng ChatGPT website. Kailangang i-cancel ito sa ChatGPT website. Matatapos agad ang iyong ChatGPT Go subscription pagkatapos ng cancellation.
Q: Maaari ko bang gamitin ang ChatGPT Go promo kung nakapag-redeem na ako dati ng ChatGPT Plus o ChatGPT Go promo bilang Shopee VIP member?
A: Hindi. Hindi mo maaaring gamitin ang ChatGPT Go promo code kung nakapag-redeem ka na dati ng ChatGPT Plus o ChatGPT Go promo code gamit ang iyong Shopee VIP account.
Q: Sino ang maaaring gumamit ng Instant Delivery Free Shipping Discount voucher?
A: Ang Instant Delivery Free Shipping Discount voucher ay kasalukuyang available lamang para sa mga orders na inilagay sa Metro Manila mula sa mga shops na nasa Metro Manila. Tanging mga VIP subscribers na nakakatugon sa mga nabanggit na criteria ang maaaring gumamit ng voucher.
Alamin pa ang tungkol sa Shopee VIP at kung paano i-redeem ang iyong exclusive benefits.