For the English version of the article, click here.
Ang eTap ay isang self-service payment kiosk na maaaring gamitin para mag-cash in sa iyong ShopeePay wallet, magbayad ng bills, mag-top up ng e-wallets, at iba pa. Maaari kang mag-cash in nang walang service fee, na may minimum cash-in amount na ₱500.
Sa Shopee App, pumunta sa ShopeePay Wallet > Over-the-Counter > eTap > Confirm > Ilagay ang cash-in amount o pumili ng cash value > Pay Now.

Makikita mo ang Payment Code at ang sumusunod na eTap Payment Instructions:
Pumunta sa pinakamalapit na eTap kiosk.
Sa eTap kiosk, piliin ang Top Up > SHOPEEPAY.
Ilagay ang iyong Payment Code mula sa ShopeePay Payment Instruction Page, pagkatapos ay piliin ang Proceed.
Ilagay ang iyong mobile number, pagkatapos ay piliin ang PROCEED at hintaying ma-validate ang transaction.
I-review ang transaction details sa confirmation page, pagkatapos ay i-tick ang box para kumpirmahin.
Piliin ang Pay Cash > Proceed to pay with cash, pagkatapos ay ilagay ang cash sa feeder.
Kapag nakumpleto na ang transaction, piliin ang iyong preferred receipt option.

⚠️Tandaan Ang Payment Code ay valid sa loob ng 1 oras. Kumpletuhin ang iyong cash-in transaction sa loob ng panahong ito. Kapag nag-expire ang code, kailangan mong mag-generate ng bagong Payment Code. |
Frequently Asked Questions (FAQs)
Q: Libre ba ang pag-cash in via eTap?
A: Oo. Walang service fee ang pag-cash in gamit ang eTap.
Q: Paano mag-cash in sa SPP Wallet via eTap?
A: Sa SPP App, piliin ang eTap bilang cash-in method sa ilalim ng Over the Counter category. Ilagay ang amount na gusto mong i-cash in at tandaan ang Payment Code. Pumunta sa pinakamalapit na eTap machine, ilagay ang Payment Code at cash-in amount, pagkatapos ay ipasok ang bills sa kiosk.
Q: Anong denominations ang tinatanggap ng eTap machines?
A: Tumatanggap ang eTap machines ng ₱20, ₱50, ₱100, ₱500, at ₱1,000 na Philippine peso bills.
Q: May minimum o maximum cash-in amount ba bawat transaction?
A: Oo. Ang minimum cash-in amount ay ₱500, habang ang maximum ay ₱10,000 bawat transaction.
Q: Gaano katagal bago ma-credit ang cash-in amount sa aking ShopeePay Wallet?
A: Ang iyong cash-in amount ay ma-credit sa iyong ShopeePay Wallet shortly pagkatapos ma-process nang successful ang transaction.
Q: Maaaring bang maggenerate ng panibagong Payment Code kung nakapag-generate na dati?
A: Oo, maaari pa ring makapag-generate ng panibagong payment code kahit nakapag-generate na dati.
Q: Ano ang dapat kong gawin kung hindi na-credit sa aking ShopeePay Wallet ang cash-in amount sa araw ng pag-cash in?
A: Maaaring makipag-ugnayan sa eTap Customer Service team sa pamamagitan ng mga sumusunod na channels:
Facebook: www.facebook.com/etapcares/ (Main page)
Email: etapsolchd@etapinc.com
Q: Ano ang dapat kong gawin kung mas malaki ang naibayad ko kaysa sa required amount at kailangan ko ng sukli?
A: Hindi nagbibigay ng sukli ang eTap machines. Ang anumang excess amount ay ma-credit sa iyong MySukli account sa eTap, na maaari mong gamitin sa iyong susunod na transaction.