For the English version of this article, click here.
Pag hindi ka nakatanggap ng email verification code, i-check kung:
May email address na naka-link sa iyong Shopee account
Tama ang email address na naka-link sa iyong account
Ang verification code ay nasa spam/junk folder ng iyong email
Siguraduhing verified ang iyong email address para makatanggap ng verification code. Tingnan sa ibaba ang pagkakaiba ng unverified at verified na email address:
Para i-verify ang iyong email address, pumunta sa Me tab > piliin ang gear icon > My Profile > piliin ang Verify Now > i-enter ang iyong password > Continue > mag-add o i-edit ang iyong email address > Done.
Pumunta sa iyong email inbox > buksan ang Shopee email verification > pindutin ang Verify your email address only o Verify email and subscribe to newsletters.
Kung ikaw ay nakaka-experience pa rin ng issue sa pag-receive ng iyong verification code, subukan ang aming Basic Troubleshooting guide.
⚠️ Tandaan Siguraduhin na naka-toggle on ang Order Updates at Email Notification sa Shopee App. Upang ma-toggle ang order update para sa email notification, pumunta sa Settings ⚙ > Notifications Settings > Email Notifications > Gamitin ang toggles pa i-enable/disable ang Order Updates. |
Alamin kung paano mag-add/edit your email address.