For the English version of this article, click here.
Ang Shopee Coins ay opisyal na rewards points ng platform. Pwede itong ma-earn sa pamamagitan ng pagbili, activities, at iba pa sa Shopee app. Ang bawat Shopee Coin ay katumbas ng ₱1 at pwedeng gamitin para mabawasan ang transaction amount sa Shopee.
⚠️Tandaan · Ang coin earnings at paggamit ng Shopee Coins ay may limitasyon. · Hindi pwedeng i-convert ang Shopee Coins sa cash o ilipat sa ShopeePay. · Nagi-expire ang Shopee Coins sa pagtatapos ng ikatlong buwan mula nang ma-earn ito, kung saan ang earning month ang bilang na unang buwan. Alamin kung paano i-check ang expiration ng iyong Shopee Coins. |
Paggamit ng Shopee Coins
Maaaring gamitin ang Shopee Coins para sa:
Pambayad sa mga order sa Shopee
Payment sa mga ShopeePay merchant
Pagbili ng Digital Products (tulad ng mga e-voucher)
Pagbili ng ShopeePay Scan & Pay voucher
Pag-exchange ng Shopee Prize game items
Para gamitin ang Coins sa mga Shopee transaction, i-enable ang Redeem Shopee Coins toggle bago mag check out.
Halimbawa:
⚠️Tandaan Kung ang order ay na-cancel, ang iyong Shopee Coins ay automatically mare-refund sa iyong Coins wallet sa loob ng 24 to 48 na oras. Alamin kung paano ang refund ng Shopee Coins kung ang order ay na-cancel, returned, o refunded. |
Para sa pag-exchange ng Shopee Prizes game items, sundin ang instructions sa bawat laro. Heto ang halimbawa ng pag-exchange ng 10 coins para makakuha ng bubble tea para sa Shopee Pet:
Walang minimum amount ng Coins na kailangan para makapag-offset sa costs ng iyong mga purchase.