Hi, how can we help?

How to make sure your ID is approved for ShopeePay verification? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Sundan ang mga hakbang na ito upang matiyak na maaaprubahan ang iyong ID para sa ShopeePay verification:


1. Ilagay ang mga tamang detalye

Siguraduhing tugma ang impormasyon na ilalagay mo sa ID field kumpara sa nakalagay sa ID na iyong isinumite, at tiyaking kumpleto at tama ang lahat ng required fields.


2263eaf0a0ea4668aaf311e23ec32f33.gif

 


2. Ang mga documents ay dapat nababasa

Siguraduhing walang natatakpan na impormasyon. Alisin ang anumang sticker o plastic cover na pwedeng magdulot ng glare. Dapat malinaw ang mga detalye sa ID at tumutugma sa mga in-input mong impormasyon (hal. tamang spelling, ID number).




Passport Verification Guidelines:

- Kunan ng malinaw ang passport details page (page 2).

- Huwag isama ang signature page (page 3).

- Ilagay ang passport sa patag na patungan, siguraduhing maliwanag ang paligid, at lahat ng detalye ay malinaw at madaling basahin.



3. Gumamit ng valid na ID

Hindi tinatanggap ng ShopeePay ang expired na ID. Tiyaking valid pa ang ID mo sa loob ng 24 oras mula sa oras ng submission nito. I-submit agad ang application bago mag-expire ang iyong ID.


Halimbawa: Kung valid lang ang ID mo bukas, Enero 1, 2026… kailangan mo itong i-submit hanggang ngayong araw, Disyembre 31, 2025.



4. Mag-submit ng ID na kumpleto ang details

Dapat nakalagay sa iyong ID ang buong pangalan, birthday, litrato, at ID number. Siguraduhing pareho ang ID number na ilalagay kumpara sa nakatala sa iyong ID.

 

Tanging ang mga may katanggap-tanggap na ID lang ang maaaprubahan. Maaaring magbago ang listahan nang walang abiso.

 

 



5. Gawin nang tama ang facial liveness check

  • Pumosisyon sa loob ng oval. I-align ang mukha sa loob ng guide frame sa screen.

  • Alisin ang anumang nakalagay sa mukha. Tanggalin ang face mask, cap, o makapal na salamin. Kailangang ma-scan ng system nang malinaw ang iyong mata, ilong, at bibig.

  • Sundin ang mga instructions. Tingnan nang mabuti ang screen. Sundin agad ang video instructions gaya ng pagkurap, pagtango, o pagbuka ng bibig.

 

12f76b8ed40d4d70b24ec8ce8a315590.gif



6. Para sa Minor Applicants (edad 13 hanggang 17 taon gulang)

Kailangang mag-submit ang magulang o guardian ng mga sumusunod na requirements gamit ang Minor Request Form:

  • Parental Consent Form (pirmado ng magulang/guardian at naka-JPEG format)

  • Birth Certificate

  • Valid ID ng magulang/legal guardian

  • Katunayan ng legal guardianship, kung meron (hal., adoption papers)



 

⚠️ Tandaan

Bawat user ay pinapayagan lang magkaroon ng iisang ShopeePay wallet. 

• Kung mayroon ka nang verified ShopeePay account at nais gumawa ng isa pang ShopeePay account, ang iba pang duplicate accounts ay magiging restricted na.

Ayon sa patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas, may validity period ang ID verification. Makakatanggap ka ng push notification isang buwan bago ito mag-expire, at maaaring kailanganin mong mag-verify muli.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied