Hi, how can we help?

Payments

ShopeePay
SPayLater
SLoan
Finance Safety
Shopee Coins
Payment options

Other FAQs related to SPayLater

For the English version of this article, click here. 



Q: Bakit hindi ko makita ang SPayLater sa aking app?

A: Sa ngayon, available ito sa mga piling Shopee users lamang.



Q: Bakit hindi ko makumpleto ang aking SPayLater application? Bakit laging lumalabas ang Error 22?

A: Lumalabas ang Error 22 sa ibang Android mobile phones na walang Google Play services. Ang mga user na apektado ng Error 22 ay hindi makakapag-facial verification sa kanilang SPayLater application process.


Kapag dinownload mo ang Shopee gamit ang Google Play, o kapag available ang Google Play sa iyong device, sundin ang mga sumusunod:

a) I-update ang Google Play services

b) Gawin ang facial verification step sa application process

c) Kapag hindi gumana, maghintay ng 10 minuto, at siguraduhing connected sa internet ang iyong device

d) I-restart ang device

e) Ulitin mula step B


Ang mga Android user na walang Google Play services ay hindi matatapos ang kanilang SPayLater application process. Humihingi kami ng paumanhin at ino-notify namin kayo kapag available na ang feature na ito sa lahat ng devices.



Q: Paano babayaran ang late fee ng SPayLater?

A: Ang penalty sa late payments ay 2.5% - 5% kada buwan, at ito ay applied sa outstanding loan amount at interest. Sa bayaran nito tingnan ang iyong bill sa SPayLater main page para makita ang total outstanding amount, at i-tap ang Pay Now.


Pag meron kang outstanding bill, hindi ka makakapag-checkout gamit ang SPayLater hanggat hindi pa nababayaran ng buo ang outstanding bill. Tandaan na ang paulit-ulit na delay sa pagbabayad ay makakaapekto sa iyong SPayLater credit limit.


Tandaan din na puwedeng magresulta sa mga sumusunod ang late payments:

  • Pag-freeze ng Shopee account

  • Restricted na paggamit ng Shopee vouchers

  • Record ng late payments



Q: Kailan iko-consider ang order ko as Complete?

A: Ang iyong order ay considered as complete kapag pinindot ma na ang “Order Received” sa app o kapag automatic itong ma-complete matapos mag-expire ang Shopee Guarantee Period ng iyong item. 



Q: Puwede ko bang palitan ang billing date?

A: Sa ngayon, hindi puwedeng palitan ang mga billing date, pero tinitingnan namin kung puwede itong maging option sa future.



Q: Bakit hindi nagre-reflect ang payment ko sa aking SPayLater account?

A: Maaari kang maka-experience ng mga delay sa posting ng iyong bayad through certain Payment Centers. Maghintay ng ilang minuto at tingnan ulit kung ito ay successful. Maaaring magka-late fees ang mga late payment posting. Para maiwasan ito kung magbabayad sa Payment Centers, siguraduhing magbayad at least 2 araw bago ang due date.



Q: Paano ko patataasin ang aking credit limit?

A: Ang SPayLater credit limit ay automatic na ina-adjust base sa good repayment performance over time. Patuloy mong gamitin ang SPayLater at magbayad ng bills on time para ma-enjoy ang mas marami pang benefit in the future.



Q: Ang SPayLater ba ay maaapektuhan ng Bayanhian to Recover as One Act?

A: Ang Bayanihan to Recover as One Act ay ang one-time nationwide 60-day grace period na sumasaklaw sa mga loan bago ang September 15, 2020, at may mga due date na pumapatak sa period ng September 15, 2020 hanggang December 31, 2020. Ang grace period ay hindi pwede i-grant sa mga loan matapos ang implementation ng Act.


Lahat ng SPayLater billing ay hindi maaapektuhan ng Bayanihan to Recover as One Act dahil ang mga loan na ito ay maa-avail pagkatapos ng September 15. Pero para sa re implementation o extension ng Act in the future, ang mga existing bill ay eligible na sa grace period.



Q: Ano ang dapat kong gawin pag nagkaproblema ako sa SPayLater page?

A: Kung mayroong issues or problema, gawin ang basic troubleshooting




Alamin ang iba pangbagay tungkol sa SPayLater at Shopee Supported Payment Channels.

Was this article helpful?
Yes
No