Hi, how can we help?

Why was my SPayLater Application rejected? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

 

Ang iyong SPayLater at/o SLoan application ay na-reject dahil sa hindi tugmang impormasyong ibinigay.

 

Pakitingnan ang notification na ipinadala sa iyo o ang reminder sa homepage banner upang malaman ang dahilan ng rejection ng iyong application.

 

Mga rekomendasyon para tumaas ang tsansa ng approval:

 

ID, Photo, and Liveness Check

  • Siguraduhing malinaw at walang harang ang iyong ID photo (walang anino, glare, o sira).

  • Gumamit ng valid at pisikal na ID kapag nag-a-apply.

  • Magbigay ng tamang impormasyon na tugma sa iyong government ID.

  • Siguraduhin na ang tao sa ID photo ay kapareho ng nasa liveness check.

 

Accounts Across Monee Products

  • Gumamit ng parehong detalye para sa mga applications mo sa SPayLater, SLoan, at ShopeePay.

  • Iwasan ang duplicate accounts sa SPayLater o SLoan—gamitin ang iyong existing account kung meron na.

 

Active Use of Shopee SPayLater

  • Mamili nang mas madalas sa Shopee.

  • I-activate ang ShopeePay at gamitin ito para sa transfers, payments, at QR transactions.

  • Gumamit ng digital payment methods tulad ng ShopeePay, e-wallets, o bank transfers para magbayad ng orders.

  • Magbayad ng bills at bumili ng digital products sa Shopee nang regular.

 

Habang hindi available ang iyong credit account, maaari mong gamitin ang alternative payment methods.

 

⚠️Tandaan

· Ang approval ay nakabatay sa Monee Credit policies, internal strategies, at SPayLater Terms & Conditions.

· Kung hindi pa rin ma-approve ang iyong reapplication, subukang i-refresh ang app o makipag-ugnayan sa Shopee Customer Servce.

· Ang mga kasalukuyang SPayLater users ay maaaring mangailan na mag-update ng kanilang ID kung ito ay expired o malapit nang mag-expire—siguraduhing mag-upload ng valid government ID.



Para sa karagdagang information, alamin sa SPayLater Terms & Conditions.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied