For the English version of this article, click here.
Ang cash-on-delivery (COD) na payment method ay maaaring hindi available sa iyong Shopee account dahil sa mga sumusunod na dahilan:
Failed COD Deliveries
Maaaring ma-suspend ang Cash on Delivery (COD) sa loob ng 90 days kung madalas mong i-reject ang COD orders o hindi mo natatanggap ang packages kahit may 2 delivery attempts sa nakaraang 90 days.
⚠️ Tandaan · Ang reactivation ng COD ay mangyayari 90 days mula sa unang failed COD order. · Habang naka-suspend, gamitin muna ang ibang Shopee-supported payment methods. · Kung hindi pa rin available after 24 hours, i-refresh ang iyong app. · Kung paulit-ulit ang failed COD deliveries, maaari itong humantong sa permanent suspension. |
Seller Settings
Maaaring walang COD option ang seller o ito ay naka-disable. Maaari mong hilingin sa seller na i-enable ito, ngunit ang COD ay sinusuportahan lamang ng Shopee’s Integrated Couriers.
Suspicious Activity
Ang kahina-hinalang aktibidad sa isang COD order ay maaaring magdulot ng restriction. Makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service para sa karagdagang impormasyon.
Non-Serviceable Address
Ang availability ng COD ay naka-depende sa delivery coverage ng courier.
Mixed Shipping Options
Hindi available ang COD kapag ang mga items na nasa cart ay may iba’t ibang shipping options. Siguraduhing lahat ng items ay sumusuporta sa COD para magamit ang option na ito.
Self Pick-up
Para sa shipment method na ito, may ilang service points na walang COD payment option dahil sa internal policies ng specific branch. Kung gusto mong magbayad gamit ang COD para sa Buyer Self Pick-Up, pumili ng ibang service point na malapit sa’yo.