For the English version of this article, click here.
Siguraduhin na laging i-check ang iyong delivery details (katulad ng pangalan, address, o contact number) bago mag-checkout ng iyong order.
Hindi na mapapalitan ang delivery details o maka-cancel ang iyong order kapag na-arrange na ni Seller ang iyong order for shipment.
Kung kailangang magpalit ng address pagkatapos mag-checkout, kakailanganin ang mga sumusunod na criteria:
Pwede mong pailtan ang delivery details sa loob ng 1 oras pagkatapos i-place ang order o bago i-arrange ng Seller ang iyong order for shipment.
Dapat ay hindi mo pa nababayaran ang order o hindi pa na-confirm ng Seller ang iyong payment (para sa non-Shopee Supported Logistics)
Dapat ay hindi ka pa nag-request para sa change of address para sa order. Isang (1) beses lamang pwedeng magpalit ng address sa kada order.
Dapat ay parehas o mas mura ang Shipping Fee kumpara sa unang address
Dapat ay hindi malayo ang bagong address mula sa unang address (para hindi madagdagan ang Shipping Fee)
⚠️ Tandaan Pag na-arrange for shipment na ng Seller ang iyong order, hindi mo na maaaring palitan ang iyong shipping address at/o hindi na maaaring ii-cancel ang iyong order (maliban na lang kung magre-request ka sa Seller mismo ng manual order cancellation). |
Upang magpalit o magdagdag ng bagong address; pumunta sa Me tab, Piliin ang To Ship sa My Purchases > Piliin ang order > Pindutin ang CHANGE sa tabi ng Delivery Address > Piliin ang address na gusto mong ipalit > Confirm.
Ito ang mga sumusunod na details na maaaring palitan:
Recipient's Name
Phone Number
Delivery Address
⚠️ Tandaan Para palitan ang bagong address na hindi saved sa aming system, maaari kang magdagdag ng bagong address sa Address Selection page. |
Alamin kung paano i-verify ang iyong mobile number, magdagdag/magpalit/mag-edit ng iyong address at kung bakit hindi mo ma-cancel ang iyong order.