For the English version of this article, click here.
Pwede kang mag-add, mag-edit, o mag-delete ng address na naka-link sa iyong Shopee account sa pamamagitan ng Shopee app o ng Shopee website.
⚠️Tandaan • Siguraduhing tama at kumpleto ang delivery o pickup address para maiwasang ma-delay, ma-return to seller (RTS), at magka-pickup failure ang iyong order. • Kung ikaw ay nakatira o gustong magpadeliver ng order sa isang Special Economic Zone, maaaring mong tignan ang mga suggested addresses para sa Special Economic Zones (SEZ). • Siguraduhing tama ang region, province, city, barangay, at postal code na inyong ilalagay. Alamin kung ano ang inyong Philippine Postal Code. • Siguraduhing tama ang pinned location ng iyong declared barangay address sa map. Pwede mong i-adjust ang pin sa map kung mali ang unang location na naka-pin. • Ang free text field address ay di automatic na maga-update base sa naka-pin na location sa map. Ang declared address na nasa free text field ang siya pa ring magiging basehan kung saan idedeliver ang iyong order. • Maaaring magpalit ng address depende sa ilang kondisyon. • Pwede kang gumamit ng hanggang sampung (10) magkakaibang address. • Siguraduhin na tama ang mga pangalan at address dahil ito ang lalabas sa airway bill (AWB): • Ang pangalan ay dapat hindi lalampas sa 100 characters • Ang address ay dapat hindi lalampas sa 300 characters |
Gamit ang Shopee App
Pumunta sa Me tab > Pindutin ang settings icon > My Addresses > Piliin ang Add a new address > Ilagay ang iyong information > SUBMIT
⚠️Tandaan Sa paglalagay ng iyong street name, building, at house number, ikaw ay mapupunta sa bagong page kung saan pwede mong ilagay ang inyong geolocation o mas detalyadong address sa map. |
Para i-edit ang existing address, pindutin ang address > i-edit ang mga detalye > SUBMIT.
Para burahin ang existing address, piliin ang address > Delete Address > Yes.
Gamit ang Shopee Website
Pindutin ang inyong username > Piliin ang My Account sa dropdown list > Pindutin ang Addresses > Pindutin ang + Add New Address, Edit, or Delete