For the English version of this article, click here.
Maaaring mag-withdraw ng Php 500 hanggang Php 100,000 depende sa credit limit na ibinigay sa’yo noong na-activate ang iyong account.
⚠️Tandaan · Ire-release ang SLoan sa iyong ShopeePay wallet. Siguraduhing activated at verified ang iyong wallet para magamit o ma-cash out ang iyong SLoan. · Kapag na-activate na, hindi na puwedeng i-cancel ang SLoan feature. · Walang fees kung hindi magagamit ang loan. Para sa SLoan fees, i-click ito. |
Para mag-withdraw sa iyong SLoan, pumunta sa Finance Circle Page o Me tab > SLoan > Withdraw Loan.
Ilagay ang Loan Amount > piliin ang Tenure (number of months of payment) > Withdraw Now > i-enter ang ShopeePay PIN.
Ikaw ay makakatanggap ng confirmation na successful ang iyong loan withdrawal. Ipadadala ito sa iyong ShopeePay at maaari mona itong gamitin para bumili, mag-send ng pera at/o makapag- withdraw via bank transfer.
Bakit na-reject ang aking loan withdrawal request?
Maaaring na-deny ang iyong request dahil may overdue payments ka sa credit products (hal. SPayLater). Bayaran muna ang anumang outstanding amount para makapag-proceed sa withdrawal.
Alamin ang iba pang Financial Products at SLoan.