Hi, how can we help?

How to activate ShopeePay? (TAG)

Para sa English version ng article, basahin ito.

 

 

Mas mabilis at mas madali na ngayon ang pag-activate ng ShopeePay. Ang activation at identity verification ay nasa iisang application flow na lamang. Sa pag-a-apply, kailangan mo lang isumite ang mga kinakailangang impormasyon at dokumento para sa identity verification. Kapag successful na ang verification ng iyong identity, automatic nang maa-activate ang iyong ShopeePay account at maaari mo na itong gamitin. 

 

 

I-activate ang ShopeePay

Sa homepage o sa Me tab ng Shopee app, pindutin ang ShopeePay wallet > Pindutin ang Set up ShopeePay Wallet > Ilagay ang one-time password (OTP) na ipinadala sa iyong registered mobile number > Continue > Piliin kung gusto mong mag-apply para sa ShopeePay lang o kasama ang iba pang eligible financial products > Pindutin ang Start Facial Verification at sundin ang mga instruction sa screen.


404d881cec0f481fa6e67ab67f8f240a.gif


Pagkatapos ay piliin ang iyong valid ID > Next > Take ID photo > Kunan ng malinaw na larawan ang harap at likod ng iyong ID > I-review ang mga pre-filled na impormasyon > Kumpletuhin ang mga kinakailangang personal na detalye > Next > Basahin at mag-agree sa Terms and Conditions > Pindutin ang Next para isumite ang iyong application.


f3b17b88bd7947f0a22fd3ccdc9d6896.gif

 

Kapag nasubmit na ang iyong application, ire-review ito. Makakatanggap ka ng notification kapag successful na ang iyong identity verification. 



Mga paalala sa pag-verify ng iyong account

  1. Punan ang mga detalye na kahalintulad ng nasa iyong ID.

  2. Mag-submit ng malinaw na litrato ng iyong ID at kumpletuhin ang facial verification para mas mapabilis ang verification process. 

  3. Para sa mga menor de edad (13 - 17 taong gulang), i-submit ang mga sumusunod na dokumento gamit ang Minor Request Form

    • Parental Consent Form (signed by a parent/guardian and submitted in JPEG format)

    • Birth Certificate

    • Valid ID of parent/legal guardian

    • Proof of legal guardianship, if applicable (e.g., adoption papers)

  4. Kung nakakaranas ng error o isyu, subukan ang aming basic troubleshooting tips para mabilis itong maiayos

 

 



Para sa mga existing Non-Verified Accounts

Maaari mong i-verify ang iyong ShopeePay anumang oras, pumunta lamang sa ShopeePay wallet > Pindutin ang Identity Verification > Update Info. Sundin ang mga on-screen instructions upang magawa ang account verification.

 

⚠️Tandaan

Ang mga existing non-verified user ay lilitado lamang ang access at pwede lang nilang tingnan ang wallet page at account balance.



Alamin ang tungkol sa paano matitiyak na ang iyong ID ay maaaprubahan para sa ShopeePay verification at iba pang FAQs tungkol sa ShopeePay Verification.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied