For the English version of this article, click here.
Ito ang mga kailangan gawin para matiyak na ang iyong refund ay mapro-proseso ng matagumpay sa iyong ShopeePay account:
1. Siguraduhin na ang iyong ShopeePay ay activated
Ang iyong refund ay mapro-process lamang kung ang iyong ShopeePay account ay activated. Ang refund ay maibabalik sa iyong ShopeePay wallet sa loob ng 24 - 48 oras (para sa regular refund) o 5-7 business days (para sa partial refund) matapos mong matanggap ang notification ng approval.
2. I-check ang ShopeePay balance at monthly wallet limit
Kung ang iyong ShopeePay ay na-activate na pero ang approved refund ay mas mataas kaysa sa monthly inflow at wallet limit, ang refund ay mare-release lamang kapag:
Nag-increase ang iyong limit sa pamamagitan ng pag-verify ng iyong ShopeePay account.
Nag-refresh ang monthly inflow limit pagdating ng susunod na buwan.
Nabawasan na ang iyong ShopeePay balance dahil sa pagbili sa Shopee o sa pag-withdraw nito.
⚠️Tandaan Upang i- withdraw ang refund mula sa iyong ShopeePay account, gawin ang mga sumusunod: • I-fully verify ang iyong ShopeePay account • Magpadala ng pera sa iyong preferred bank o e-wallet mula sa iyong ShopeePay wallet |
Transaction Limits ng ShopeePay
I-verify ang iyong account upang tumaas ang iyong wallet limits hanggang Php 100,000.
Alamin ang tungkol sa verification dito.
Non-Verified | Fully Verified | |
Monthly Inflow Limit Cumulative amount na maaaring ipasok sa ShopeePay wallet | ₱10,000 | ₱100,000 |
Monthly Outflow Limit Cumulative amount na maaaring ilabas mula sa ShopeePay wallet | ₱10,000 | ₱100,000 |
Wallet Balance Maximum amount na maaaring laman ng ShopeePay wallet | ₱50,000 | ₱100,000 |
Para sa Non-activated ShopeePay Accounts:
Ang refund ay i-hohold hanggang ma-i-activate ang iyong ShopeePay account. Kaya i-activate ang iyong ShopeePay account agad.
Kung na-activate mo ang ShopeePay sa loob ng 3 araw, ang refund amount ay ma-credit sa loob ng 24-48 oras pagkatapos makatangap ng refund notification.
Gayunpaman, kung ikaw ay nakapag-activate pagkatapos ng 3 araw at pagkatapos maka-tanggap ng notification, ang iyong refund ay ma-crecredit sa iyong Shopee registered bank account. Ang refund amount ay ibabalik sa iyong bank account sa loob ng 2-3 business days (depende sa bangko).
Alamin kung gaano katagal matatanggap ang refund para sa ibang payment methods. Kung gusto mong i-reactivate ang disabled na Shopee account, pindutin ito.