Hi, how can we help?

[My Account] Why can't I log in to my Shopee account?

For the English version of this article, click here.



Narito ang mga maaaring dahilan kung bakit di makapag-log in sa iyong Shopee account:


1. Maling password

Kung nakalimutan ang password, alamin kung paano i-reset ang password


2. Expired na ang verification code 

Kapag nakatanggap ng OTP verification code sa SMS na naka-link sa iyong Shopee App, siguraduhin na i-enter ang OTP sa loob ng 60 segundo na time limit. Kung hindi, mag-rerequest ng panibago at ang unang code ay mag-eexpire at magiging invalid.


⚠️ Tandaan

Kung ikaw ay hindi nakatanggap ng OTP code, makipag ugnayan sa inyong  service network provider. Kung mayroon pa ring issue, subukan na i-restart ang device. Kung hindi, ang shopee account ay maaaring naka-rehistro sa ibang mobile number.



3. Restricted ang account

Ang account ay restricted dahil sa: 

  • Security reasons katulad ng suspicious login activity o suspected hacking attempts.

  • Kung mayroong outstandingc redit bill (SPayLater/SLoan/SLoan for Sellers), tandaan na ang late payement ay magreresulta ng:

    • Ang Shopee account at/o credit product/s  (SPayLater/SLoan/SLoan for Sellers) ay magiging frozen

    • Ma-rerestict ang paggamit ng Shopee Vouchers

    • Magkakaroon ng record na ikaw ay late magbayad

  • Ibang reason ay violation ng Shopee policies.



Sa ganitong mga kaso, maaaring i-request na ma-reactivate ang iyong account sa pag fill out ng form o kontakin ang Shopee Customer Service. Alamin ang tungkol sa account restrictions and how to resolve them


⚠️  Tandaan

Ang user na nag-violate ng Shopee policies ay posibleng ma-permanently suspended. Alamin ang tungkol sa Terms of Service para sa karagdagang impormasyon. 


4. May technical issues

Ang Login errors ay minsan nangyayari dahil sa technical issues. Siguraduhin na laging updated ang iyong Shopee App sa pinaka-latest na version at gumamit ng mabilis na internet connection.


5. Mali ang password sa third-party accounts

Kung ikaw ay naglolog in gamit ang iyong Facebook o Google account, siguraduhin na tama ang iyong credentials.

Was this article helpful?
Yes
No