Hi, how can we help?

Other FAQs related to Bills Payments

For the English version of this article, click here.



Q: Maari ba akong magbayad ng bills in advance? Gaano kaaga ako pwedeng magbayad?

A: Yes, maaaring magbayad ng bills in advance. Tandaan na ang ibang billing corporations ay mangangailangan ng hanggang 24 oras para ma-confirm ang iyong bayad. Upang makaiwas sa penalties o anumang abala, maiging  bayaran ang inyong bills 48 oras bago ang due date nito.

 

Q: Maari ba akong mag-partial payments?

A: Yes, maari kang mag-partial at overpayments sa mga piling billers. Ang minimum amount na maaaring ibayad sa bawat bill payment transactions ay Php 10.00. Pwede ka ding magbayad ng halaga na may sentimo (halimbawa Php 123.45).  Tandaan na maaaring may ipatong na convenience fee para sa mga piling bill payment transactions. Basahin ang Biller Guide List para sa iba pang impormasyon.

 

Q: Kung nagkaroon ng mali sa aking pagbabayad (hal. invalid Account Number ang naipasok, maling Biller Selection, atbp.) at pumasok na ito sa biller, pwede pa ba akong mag-cancel ng payment at makapag-refund?

A: Kung napansin mo na mali ang mga nailagay mong impormasyon, maaaring kontakin ang Biller’s Customer Service Team upang mag-request ng correction o cancellation/refund (anuman ang applicable). Para sa refunds dahil sa pagkakamali ng user, tanging ang bill amount lamang ang mare-refund. Ang Convenience Fee (kung applicable) ay hindi na mare-refund.

 

Q: Paano ko malalaman kung ang payment ay posted na? Makakatanggap ba ako ng resibo?

A: Ikaw ay makakatanggap ng push notification sa iyong Shopee account tungkol sa status ng ginawang bill payment transactions.

 

Maaring makakuha ng kopya ng acknowledgment receipt sa Order Details page ng iyong transaction. Pumunta lamang sa Digital Purchase > piliin ang billing transaction > pindutin ang Download My Receipt.

 

Downloading-Bills-Invoice-thru-App-TAGLISH.gif

 

Q: Kung ang aking payment ay hindi successfully-posted sa biller (dahil sa system error), makakatanggap ba ako ng refund? Kailan?

A: Yes, ang lahat ng failed transaction na dahil sa system error (non-user related errors/issues) ay ire-refund ng aming system sa loob ng 24-48 hours matapos makumpirma sa biller na ito nga ay failed transaction. Ang kabuuang halaga ng binayaran (Bill Amount + Convenience Fee (kung applicable) ay mare-refund sa user.

 

Q: Kung ngayon ako nagbayad, kailan ito make-credit?

A: Lahat ng bills payment ay  ipinapasa sa biller sa loob ng 24 oras ngunit ang posting ay depende sa biller. Maaring tingnan ang Biller Guide List para sa karagdagang impormasyon.

 

Q: Kapag nagbayad ako sa mismong due date, ito ba ay considered na late payment dahil sa oras na kailangan bago mai-post ang bayad?

A: Ito ay depende sa schedule ng bawat biller. Kung ikaw ay makakapag-bayad bago ang cut-off time, hindi ito considered late. Maaring tingnan ang Biller Guide List para sa karagdagang impormasyon.

 

Q: Pwede ba akong magbayad ng bills na lagpas na sa due date?

A: May mga billers na tumatanggap ng payments bago dumating ang due date, sa mismong araw nito, at kahit lagpas na sa due date. Maaring tingnan ang Biller Guide List para sa karagdagang impormasyon.

 

Q: Bakit nahinto/naputol pa rin ang service ko kahit nagbayad na ako ng bill?

A: I-check kung ang iyong transaction ba ay naging successful at kung pasok pa ba sa accepted period. Kung oo, kontakin ang mismong biller tungkol sa iyong concern.

 

Q: Nabayaran ko ang bill pero lumabas pa din sa sumunod na statement of account, na-late ba ang payment ko?

A: Kung ang petsa sa statement of account ay lagpas na sa indicated cut-off, ang iyong payment ay magre-reflect sa susunod na Statement of Account. I-check ang receipt kung tama ang mga account information nito. Kung may mali, agad na kontakin ang customer service ng naturang biller upang mag request ng cancellation at refund ng transaction. 

 

Para sa mga non-user-related errors/issues (hal. mga failed transaction dahil sa system error o maintenance), ito ay magre-resulta sa refund mula sa aming system sa loob ng 24-48 oras matapos makumpirma sa biller na ito nga ay failed transaction. Ang kabuuang halaga (Bill Amount + Convenience Fee (kung applicable) ay ibabalik sa user.


Para sa mga user-initiated errors/issues (hal. invalid Account Number ang naipasok, maling Biller Selection, atbp.), tanging ang bill amount lamang ang mare-refund. Ang Convenience Fee (kung applicable) ay hindi na mare-refund.

 

Q: Anu-ano ang mga halimbawa ng user at non-user-initiated errors?

A: Ang ilan sa mga user-initiated errors ay ang mga sumusunod:

  • a. Wrong/Invalid Account Number Encoded

  • b. Wrong Biller Selection

  • c. Wrong Amount Paid 

Samantala, ang mga system errors gaya ng hindi pagpasok ng transaction sa biller, system maintenance, atbp, ay kabilang sa mga non-user errors.

 

Q: Nakatanggap ako ng disconnection notice, tatanggapin pa din ba ang payment ko?

A: Tatanggapin pa rin ang payment mula sa account na may notice of disconnection. Ang account ay dapat na active pa din, at hindi pa disconnected. 

 

Q: Mayroon bang transaction fees?

A: Maaaring mag-apply ang Convenience sa ilang mga billers. Ang halaga nito ay magkakaiba sa bawat biller na binabayaran mo.


⚠️ Tandaan

Ang ibang billers ay maaaring may ibang pagtugon sa mga non-user-related errors. Maaaring kontakin ang Shopee Customer Service para sa iba pang detalye. 

 
Was this article helpful?
Yes
No