Hi, how can we help?

Basic Troubleshooting Guide (TAG)

For the English version of this article, click here.



Kung makaranas ka ng error sa Shopee app, subukan ang mga troubleshooting tips sa ibaba. Hindi mo kailangang gawin lahat—piliin lang ang pinakaangkop para sa'yo.

 

MOBILE APP

WEB

1. Isara at muling buksan ang Shopee App.

· Para sa iOS: Swipe up mula sa ilalim ng screen, mag-pause, at i-swipe up ang preview ng app para isara ito.

· Para sa Android: Pumunta sa Settings > Application Manager, hanapin ang app, at i-tap ang "Force Stop" para isara ito.

2. Isara ang lahat ng running apps.

3. Mag-log out at mag-log back in sa iyong Shopee account.

4. I-restart ang iyong device.

5. Lumipat sa isang stable na internet connection (hal. Wi-Fi).

6. I-restart ang iyong modem kung gumagamit ng Wi-Fi.

7. Subukan ang ibang device (telepono, desktop, o laptop).

8. I-clear ang app cache.

9. Siguraduhing updated ang iyong app.

10. I-uninstall at muling i-install ang app.

11. Kumpirmahin na naka-log in ka sa tamang account.

1. I-clear ang web cache.

2. Isara ang lahat ng windows.

3. Gumamit ng ibang browser (hal. Chrome, Safari, Firefox).

4. Magpalit ng incognito/private mode.

5. I-restart ang modem o i-change ang iyong internet source.

6. I-log out at i-log in muli ang iyong Shopee account.

7. Gumamit ng ibang device (compute, tablet, o phone).

8. I-restart ang iyong device.

9. I-check kung naka-log in sa tamang account.

 

⚠️Tandaan

Kung ikaw ay isang buyer at hindi makapag-checkout, siguraduhing lahat ng fields (mga produkto, uri ng bayad, vouchers, shipping) ay na-select na at/o subukan ang ibang mga produkto.

 

Kung patuloy pa rin ang problema, inirerekomenda namin na kumuha ka ng screenshot at video recording ng app at isulat ang pangalan ng device o software program bago kami kontakin.

 

Alamin pa ang tungkol sa Payment FAQs at kung ano ang dapat gawin kung hindi ka makatanggap ng email verification code.

Was this article helpful?
Yes
No