For the English version of this article, click here.
Maaari mong ipadala ang iyong return parcel, sa loob ng 5 araw matapos na ma-approve ang iyong return/refund request, sa pamamagitan ng kahit ano sa mga sumusunod na paraan: Pick up, Drop-off o Self Arrange.
Pick up Method
Maaaring magbook ng pickup ng iyong return mula sa app at piliin ang Pick Up mula sa mga available na option. Maaaring pumili ng pickup date at address ang buyer kung kailan at saan ipi-pickup ng SPX Express Rider ang inyong parcel.
Drop-off Method
Madali mong maipadadala ang iyong parcel sa pamamagitan ng pag-drop-off nito sa anumang SPX Express (SPX), J&T Express (J&T), or Flash Express (FEX) branch.
Self Arrange Method
Maaari kang mag-self-arrange sa pagpapadala ng iyong return parcel sa pamamagitan ng iyong napiling logistics provider. Ang pag ship gamit ang Self Arrange Method ay magiging available lamang sa mga returns na hindi serviceable ng SPX Express at ng J&T Express.
Gayunman, dahil ito ay self-arranged, hindi mata-track ng Shopee ang iyong shipment. Responsibilidad mo na magpakita ng shipment proofs sa Shopee na ito ay naibalik na upang kilalanin ito bilang officially returned. Mabuting makipag-coordinate sa iyong napiling logistics provider at i-submit ang mga sumusunod na supporting documents kung sakaling magkaroon ng disputes:
Official proof of shipment with information gaya ng delivery service, receipt number, sender/recipient names, contact number, at shipping address.
Iba pang patunay na nagkaroon ng kasunduan (lalo na kung ang buyer ay nagpadala gamit ang non-traceable mailing option).
Litrato at/o video na nagpapakita ng returned products at kung paano ang pag-package nito bago ipadala.
⚠️ Tandaan Kung gagamit ka ng door-to-door couriers/express delivery couriers (e.g., Grab Express, Lalamove) para sa returns, makipag-coordinate sa seller para sa kanilang preferred shipping time, dahil may mga seller na may limitadong oras. Para matiyak na matatanggap ng seller ang item. Kung hindi ma-deliver, ibabalik ito sa buyer. |
Ang buyer ang magbabayad ng return shipping fee (RSF) muna, pero ire-reimburse ito ng Shopee pagkatapos ng return process. I-upload ang photo ng parcel kasama ang return label, proof of shipment, at request ID sa iyong Return/Refund Details page bilang patunay. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan kung paano i-track ang iyong return.
Pagkatapos maibalik ang item, may 2 araw ang Shopee o ang seller para tumugon sa iyong return/refund request. Makakatanggap ka ng push notification kung ang iyong request ay na-aprubahan o kailangan pa ng karagdagang review.
⚠️Paalala
Maaari nang i-update o palitan ng mga buyers ang shipping method pagkatapos ayusin ang order para sa shipment, depende sa serbisyo o availability ng couriers sa napiling shipping option. Ito ay maaari lamang gawin isang beses sa loob ng 5 araw mula sa pag-apruba ng iyong return/refund request. Maaaring palitan mula sa mga sumusunod:
Self Arrange to Drop Off (SPX, J&T, or FEX)
Self Arrange to Pick Up (SPX)
Drop Off (SPX, J&T, or FEX) to Pick Up (SPX)
Drop Off to Drop Off
J&T Drop Off to SPX Drop off or FEX Drop off
SPX Drop off to J&T Drop Off or FEX Drop off
Flash Drop off to SPX or J&T Express Drop off
Pick Up (SPX) to Pick Up (SPX) - To select new a pickup date and/or pickup address.
Ang seller/Shopee Warehouse team ay susuriin ang iyong returned products para matiyak na ang kondisyon nito ay maayos pa para isauli.
Maaari ka ring magbalik ng item sa Shopee Warehouse kung pinili mo ang Self-Arrange bilang return shipping option. Tandaan lamang na ang Shopee Warehouse ay hindi na tumatanggap ng returns pagsapit ng 3PM at ang iyong Return & Refund request ay maka-cancel na.
Shopee Warehouse detail in Calamba:
Receiver Name: Shopee Warehouse Returns Department (Dock 5)
Receiving Hours: 6 AM hanggang 3 PM (Lunes hanggang Sabado LAMANG)
Saan ko ipapadala ang aking return parcel?
Ipadala ang iyong return parcel diretso sa return address ng seller o sa Shopee Warehouse. Tingnan ang address na ibinigay sa Return Instructions kapag pumili ka ng Self-Arranged Returns.
Siguraduhing ipadala ang parcel mo sa loob ng 5 araw mula sa pag-apruba ng request at i-upload ang proof of shipping (para sa self-arranged returns) gamit ang Shopee App.