Hi, how can we help?

How do I calculate my SPayLater Installment? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 


Kapag pinili mo ang SPayLater bilang payment method para makabili ng items nang installment, mahalagang maintindihan mo kung paano kino-compute ang total amount na kailangan mong bayaran.

 

Narito ang standard fees at charges kapag nanghiram ka sa SPayLater:

Fees / Charges

Particulars

Processing Fee

0% - 7% ng total checkout amount (ibig sabihin, principal), kasama ang 0.75% loan term in days/365 na naka-apply sa principal, na icha-charge bilang bayad para sa Documentary Stamp Tax.


Ito ay hahatiin at isasama sa monthly repayments.

Interest Rate

1% - 5% ng total checkout amount (principal), na hahatiin sa monthly repayments.


Ang interest rate ay base sa credit profile mo at pwedeng magkaiba sa rate na ibinibigay sa ibang borrowers.

Late Charge

2.5% - 5% na naka-apply sa outstanding loan amount (kasama ang fees at interest), monthly rate.


Kung may overdue payments ka from another month, ang late charge ay ipa-apply sa total overdue amount at isasama sa existing charges mo.


⚠️Note

Walang dagdag o hidden charges na kailangang bayaran kapag nag-switch sa mas mahabang payment plan.


Paano i-compute ang iyong Installment?

  • Principal Amount: Ito ang iyong total transaction amount.

  • Selected Payment Duration: Ito ang bilang ng buwan ng payment plan mo (halimbawa: 3 months, 6 months, o 12 months).

  • Monthly Nominal Interest Rate (NIR): Ito ang monthly interest rate na gagamitin para i-compute ang interest ng payment plan mo.

  • Interest: Ito ang mismong amount na sisingilin base sa principal amount mo, sa napili mong payment duration, at sa monthly NIR mo.

  • Total Amount to Repay: Kino-compute ito sa pamamagitan ng pag-add ng Principal amount + Total interest + Processing fee.

  • Estimated Monthly Installment: Kino-compute ito sa pamamagitan ng pag-divide ng Total amount to repay ÷ selected payment duration.


Halimbawa ng computation:

Principal Amount

₱10,000.00

Selected Payment Duration:

6 Months

Monthly NIR

3.95%


⚠️Note

Tanging principal amount lamang ang pagbabasehan ng calculation ng interest para sa buong payment duration.


Total computation:

Total Interest for 6 Months

₱2,370.17

Processing Fee Total

₱34.32

Estimated Monthly Installment

₱ 2067.42

Total Amount to Repay

₱12,404.52



Sample Amortization Schedule for 6 Months:

Month

Monthly Principal

Interest

Processing Fee

Total Due

Month 1

₱1417.90

₱643.80

₱5.72

₱2067.42

Month 2

₱1509.18

₱552.52

₱5.72

₱2067.42

Month 3

₱1606.35

₱455.35

₱5.72

₱2067.42

Month 4

₱1709.76

₱351.94

₱5.72

₱2067.42

Month 5

₱1819.84

₱241.86

₱5.72

₱2067.42

Month 6

₱1936.97

₱124.7

₱5.72

₱2067.42


Sa halimbawang ito, ang customer ay magbabayad ng estimated ₱2067.42 kada buwan sa loob ng 6 months. Ang final amount ay maaaring magbago depende sa iyong actual transaction amount, sa napili mong payment duration, at sa monthly NIR na ilalapat sa account mo.


⚠️Note

Ang monthly NIR para sa conversion ay pareho lamang sa regular SPayLater monthly interest rate na ginagamit sa mga on-Shopee purchases. Pero tandaan na hindi applicable ang mga 0% interest promotions kapag nag-switch ka sa mas mahabang payment plan.

Kapag pinalitan mo ang eligible SPayLater transactions mo ng mas mahabang payment duration, ma-co-compute ang bago mong monthly installment base sa principal amount mo, sa bagong napiling payment duration, at sa applicable monthly NIR. Ang total repayment amount naman ay hahatiin sa buong duration na napili mo.

Alamin ang iba pang detalye tungkol sa pag-switch sa mas mahabang payment plan

Ang mga available na payment duration ay pwedeng 3, 6, o 12 months, depende sa current SPayLater eligibility mo at sa mga available na options.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied