For the English version of this article, click here.
Upang magamit ang mga voucher sa checkout, hanapin ang voucher icon sa Shopping Cart at piliin ang applicable na voucher na nakuha mo na.
⚠️Tandaan Maaaring pagsamahin ang mga sumusunod na voucher sa pag-checkout: • Seller (shop/product) voucher • Shipping discount voucher • Shopee (discount/cashback) voucher |
Gamitin ang seller (shop/product) vouchers
Kung naabot mo ang mga condition ng seller voucher, ito ay automatic na lalabas matapos piliin ang produkto na nais bilhin.
Kung hindi pa naabot ang condition, makikita sa seller voucher section ang kinakailangan pang amount bago magamit ang voucher. Maaaring pumunta sa seller’s shop page para makita ang iba pang produkto na maaaring idagdag.
⚠️Tandaan Ang Seller voucher section ay hindi lalabas sa mga produkto na walang shop o product voucher. |
Gamitin ang Shopee at shipping discount vouchers
Para gumamit ng Shopee at/o shipping discount voucher, pindutin ang Shopee Voucher > piliin ang applicable voucher(s) > OK.
⚠️Tandaan • Tingnan ang mga label sa voucher para sa mga key requirements, gaya ng ShopeePay upang matiyak na magagamit mo ang voucher. • Ang lahat ng mga terms and conditions ay dapat masunod. • Kung mayroong higit sa 1 Shopee voucher na maaari mong gamitin, maaari mong subukan ang mga ito upang makumpara kung alin ang mas makakatipid ka. |