For the English version of this article, click here.
I-add ang iyong bank account sa ShopeePay para sa mas madaling bank transfer transactions. Maaari kang mag-add ng hanggang tatlong (3) bank account.
Para i-add ang iyong bank account details, pumunta sa Me tab > piliin ang Settings > Linked Payment Methods > piliin ang bangko na gusto mong i-link.
⚠️Tandaan • Huwag ilagay ang credit/debit card number details sa bank account detail field, ilagay lamang ang tamang account number ng iyong bank account. • Ang mga maling card/bank numbers ay tatanggalin o di tatanggapin ng system. • Siguraduhing tugma ang iyong bank account name at account number sa iyong mga bank record. • Iwasang ilagay ang mga sumusunod na special characters:
|
Disclaimer: Ang iyong card ay maaaring hindi tulad sa halimbawang ito. Maaari mong i-check sa iyong bangko para malaman kung saan makikita ang account number ng iyong card.
Matapos mong mai-add ang iyong bank account sa ShopeePay, maaari ka nang magsimula ng bank transfer.
Upang alisin ang mga bank account details sa Linked Payment Methods page > pindutin ang Unlink.
⚠️Tandaan • Hindi mo kailangang magdagdag ng bank account para magamit ang ShopeePay. Ang pag lagay ng bank account ay nagbibigay-daan upang makapag-bank transfer mula sa ShopeePay. • Tanging local bank accounts lang ang tinatanggap. Hindi ka maaaring magdagdag ng mga overseas bank accounts. • Ang mga bank account na naka-save sa ilalim ng iyong Shopee account at ShopeePay ay magkaiba. Kailangan mong idagdag muli ang iyong bank account sa ShopeePay kahit na naka-save na ito sa iyong Shopee account. • Maaari kang magdagdag ng hanggang 3 bank accounts. |