For the English version of this article, click here.
Madali lang bumili sa Shopee website o sa Shopee App. Bago ka magsimula bumili, siguraduhin na ikaw ay naka-sign up sa Shopee at i-add ang iyong local delivery address. Pagkatapos ay makahanap ng produkto at makapili ng gustong bilhin, sundan ang mga sumusunod:
1. Bumili at i-checkout agad
Sa product page, pindutin ang Buy Now > pumili ng nais na variation (kung meron) > Buy Now > pumili ng nais na Shipping Option (kung meron) > gumamit ng Shopee Voucher at Shopee Coins (optional) > pumili ng preferred Payment Option > Place Order.
2. I-add sa cart at i-checkout kasama ang ibang items
Sa product page, piliin ang Add to Cart > pumili ng nais na variation (kung meron) > Add to Cart > Piliin ang produkto na nais bilhin > Gumamit ng Shopee Voucher at Shopee Coins > Check Out > Place Order.
3. I-repurchase ang dating order
Pumunta sa My Purchases sa Me tab > piliin ang produkto sa Completed section na nais bilhing muli > Buy Again at magproceed sa checkout.