For the English version of this article, click here.
Kung ikaw ay makatanggap ng mali o di-gumaganang item, sundin ang mga sumusunod na hakbang para sa pag-file ng Return/Refund request.
Para gawin ito, pindutin ang To Receive sa ilalim ng My Purchases na nasa Me tab > Pindutin ang Return/Refund sa iyong order > piliin ang I have received my items but there are issues > piliin ang mga produkto at bilang ng nais i-return > Pindutin ang Next.
⚠️Tandaan Ang ibang orders na makikita sa Completed tab ay maaari pa ring ipa-return/refund hangga't ang order ay pasok pa din sa Shopee Returns Window. |
Pagkatapos ay pindutin ang Reason > piliin ang Seller sent wrong item > pindutin ang Confirm > maglagay ng required evidence gaya ng nakasaad sa remarks, at description ng refund request > Submit.
Sa Return/Refund Details page, pindutin ang Select Shipping Option para pumili ng nais na shipping option na maghahatid ng iyong order pabalik sa seller.
⚠️Tandaan • Kung nakakaranas ng issues sa pag-upload ng kinakailangang evidence para sa return/refund, maaari mong subukan ang ating basic troubleshooting. • Tiyakin na magbigay ng maayos na evidence para sa bawat return/refund reason. |
Matapos i-submit ang iyong request, hintayin na lamang ang resolution. Makatatanggap ka sa in-app push notification at e-mail tungkol sa return instructions.
Kausapin ang Seller tungkol sa iyong return/refund request
Pagkatapos mai-submit ang iyong Return & Refund request, maaari kang kontakin ng Seller upang mag-alok ng counter-offer. Bibigyan ka nito ng 1 araw para tumugon. Narito ang tatlong (3) response options na maaari mong gawin:
1. Accept Proposal
2. Counter Offer
3. I-reject at ituloy ang pagsauli ng item
Para ibalik ang iyong order
Tiyakin na maipadala ang item sa Shopee Warehouse sa loob ng 5 araw. Kapag lumagpas ang 5 araw at hindi ito naipadala, automatically cancelled na ang iyong request. Dapat na maayos na naka-package ang item alinsunod sa Shopee Guidelines. Alamin ang iba pa tungkol sa pag-return ng iyong order.
Para sa Local Marketplace, ang Seller ay may hanggang 2 araw para sumagot at kumpletuhin ang quality check ng item/s mula sa oras kung kailan niya ito na-receive.
Pagkuha ng iyong refund
Alamin kung gaano katagal bago makatanggap ng refund.
Para sa Refund Only solution, darating ang refund sa sandaling ma-approve ng Shopee ang iyong request.
Para sa Local Marketplace, kapag na-receive at na-validate na ng Seller ang returned item, makakatanggap ka ng notification via in-app push notification or email tungkol sa request approval at instructions kung paano makukuha ang iyong refund payment.
Para sa Shopee Mall at Overseas, matapos na matanggap at ma-validate ng Shopee Warehouse ang returned item, ang iyong refund ay automatically na make-credit na sa iyo.
Basahin ang aming Shopee’s Return & Refund Policy.