For the English version of this article, click here.
Q: Kailangan ko bang bayaran ang return shipping fee?
A: Walang shipping fee na kailangang bayaran para sa Drop Off gamit ang SPX Express o J&T Express. Para naman sa Self Arrange gamit ang ibang couriers, aabonohan mo muna ang shipping fee at maaari itong ma-refund pagkatapos ma-proseso ang return.
Q: Kailangan ko bang bayaran ang extra packaging materials o printed return label na ibinibigay ng SPX Express o J&T Express staff?
A: Libre ang pouches at ang pag-print ng return label, pero ang buyer ang sasagot sa anumang extra packaging tulad ng mga kahon.
Q: Maaari bang gamitin ang Drop Off para ibalik ang bulky item?
A: Sa kasalukuyan, pinapayagan lamang ang mga return para sa mga item na hindi lalampas sa 50 kg o hindi mas malaki kaysa 150cm para sa kabuuang return order.
Q: Kailangan ko bang magbigay ng sarili kong packaging materials?
A: Inirerekomenda naming gamitin ang orihinal na packaging ng item. Dalhin ang orihinal na kahon para sa mga high-value at fragile items o mga item na nasa kahon.
Q: Ano ang kailangan kong ipakita sa Drop Off staff ng SPX Express o J&T Express kapag ibinabalik ko ang aking parcel?
A: Ipakita lamang ang tracking number na makikita sa Return/Refund Details page. Maaari ring i-scan ng Drop Off partners ang barcode sa return instructions para ma-identify ang iyong parcel.
Q: Kailangan ko bang i-upload ang aking waybill?
A: Hindi, awtomatikong naga-update ang return status pagkatapos ng drop-off. Kung walang update sa loob ng 24 oras, makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service via chat.
Q: Pwede ko bang i-cancel ang return request ko kung ang parcel ko ay on the way na sa Seller?
A: Hindi. Pwede mo lang i-cancel ang return request kung ang parcel ay nasa iyo pa.
Alamin ang iba pang paraan para i-return ang order, mag-request ng return at refund, at makuha ang iyong bayad para sa refund.