For the English version of this article, click here.
⚠️Tandaan Simula May 1, 2024, maaari nang mag-request ng Change of Mind sa lahat ng sellers/shops. Alamin ang mga produktong hindi pasok para sa Change of Mind returns. |
Ang Change of Mind ay ang bagong return & refund reason kung saan maaari kang magsauli ng produkto kung ito ay:
1. May sukat o style ang produkto na hindi angkop sa iyo
2. Mas mura sa ibang bilihan
3. Di mo na kailangan pa
Kung ikaw ay maga-apply para sa Change of Mind, ang produkto ay ipapadala pabalik sa seller o warehouse (piling Sellers) para sumailalim sa quality checking. Ang isinauling produkto ay dapat na maabot ang mga sumusunod na kondisyon:
Ang isasauling item ay dapat na:
• Nasa orihinal na kondisyon at dami, maayos at gumagana.
• Nasa orihinal na packaging, protective materials, product/brand tags, at manual.
- Kabilang dito ang lahat ng packaging, accessories, authenticity cards, at dust bags.
- Ang mga special seals (hal: Do not accept if seal is broken) ay dapat na buo at di pa natatanggal
• Kasama ang lahat ng special external at internal packaging kung ito man ay may commemorative, authenticity, o unique added value.
- Kung nawala o nasira ang ito, maaaring mawala ang halaga ng produkto
Ang Sellers ay may karapatan na tanggihan ang return request kung:
• Ang produkto ay madumi, nadungisan, o may anumang sira
• Ang produkto ay ginamit o sinukat sa anumang paraan na nagresulta upang magkaroon ito ng sira na di na maaaring ayusin pa
• Ang produkto ay kulang at halatang hindi dahil sa delivery issues
• Ang produkto ay naubos o nakain na (kung ito’y consumable)
• Ang produkto ay isang intimate product (hal. underwear, lingerie, swimsuits, at iba pang tulad nito)
• Ang produkto ay isang personalized/customized item
Kailan ako dapat mag-request ng Return/Refund?
Maaari kang mag-request ng return/refund gamit ang Shopee App. Ang ilang order ay maaari pa rin sa return/refund kahit na napindot na ang Order Received button, hangga’t ito ay pasok pa sa Shopee Returns Window.
Ang Shopee ay may sole discretion na tumangging mag-refund kung ang produkto ay iba na kumpara sa orihinal nitong kondisyon. Ito ay napapailalim at nakasaad sa Refunds and Return Policy.