Hi, how can we help?

Returns & Refunds

Raising requests
Disputes
Resolution

What is Change of Mind Returns? (TAG)

For the English version of this article, click here.



⚠️Tandaan

Simula May 1, 2024,  maaari nang mag-request ng Change of Mind sa lahat ng sellers/shops. Alamin ang mga produktong hindi pasok para sa Change of Mind returns.


Ang Change of Mind ay ang bagong return & refund reason kung saan maaari kang magsauli ng produkto kung ito ay: 

1. May sukat o style ang produkto na hindi angkop sa iyo

2. Mas mura sa ibang bilihan

3. Di mo na kailangan pa


Kung ikaw ay maga-apply para sa Change of Mind, ang produkto ay ipapadala pabalik sa seller o warehouse (piling Sellers) para sumailalim sa quality checking. Ang isinauling produkto ay dapat na maabot ang mga sumusunod na kondisyon:


Ang isasauling item ay dapat na:

• Nasa orihinal na kondisyon at dami, maayos at gumagana.

• Nasa orihinal na packaging, protective materials, product/brand tags, at manual.

- Kabilang dito ang lahat ng packaging, accessories, authenticity cards, at dust bags.

- Ang mga special seals (hal: Do not accept if seal is broken) ay dapat na buo at di pa natatanggal

Kasama ang lahat ng special external at internal packaging kung ito man ay may commemorative, authenticity, o unique added value.

- Kung nawala o nasira ang ito, maaaring mawala ang halaga ng produkto



Ang Sellers ay may karapatan na tanggihan ang return request kung: 

• Ang produkto ay madumi, nadungisan, o may anumang sira

• Ang produkto ay ginamit o sinukat sa anumang paraan na nagresulta upang magkaroon ito ng sira na di na maaaring ayusin pa 

• Ang produkto ay kulang at halatang hindi dahil sa delivery issues

• Ang produkto ay naubos o nakain na (kung ito’y consumable) 

• Ang produkto ay isang intimate product (hal. underwear, lingerie, swimsuits, at iba pang tulad nito)

• Ang produkto ay isang personalized/customized item



Kailan ako dapat mag-request ng Return/Refund?

Maaari kang mag-request ng return/refund gamit ang Shopee App. Ang ilang order ay maaari pa rin sa return/refund kahit na napindot na ang Order Received button, hangga’t ito ay pasok pa sa Shopee Returns Window.


Ang Shopee ay may sole discretion na tumangging mag-refund kung ang produkto ay iba na kumpara sa orihinal nitong kondisyon. Ito ay napapailalim at nakasaad sa Refunds and Return Policy.

Was this article helpful?
Yes
No