For the English version of this article, click here.
Pwede ka na ngayon mag-return ng iyong order nang libre at mata-track mo pa ito sa iyong app. Piliin lamang ang Drop Off para mag-return order gamit ang J&T Express.
Drop Off
Para sa mga Shopee Mall order, sa Return/Refund page, pindutin lamang ang Shipping Option > piliin ang Drop Off > Confirm
Para sa mga Non-Mall order, hintayin ang email at in-app notification ng Shopee na accepted na ang iyong return request, pindutin ang Shipping Option > Drop Off > Confirm
⚠️ Note • Tiyakin na maayos ang original packaging ng parcel na nais i-return. • Ang J&T ay magpo-provide lamang ng pouches at packaging tapes sa branch. Ang mga high-value, fragile, o mga items na idineliver nang nasa box packaging - ay dapat dalhin kasama ang original box packaging. • Tiyakin na hindi muna ito selyado upang ma-inspect muna ito ng J&T staff. Maaaring i-reject ng J&T ang iyong parcel matapos ang inspection ng items at packaging nito. • Kung nais mag-return ng iyong item sa pamamagitan ng iyong preferred couriers, maaari mong piliin ang Self-Arrange option • Siguraduhin na mai-drop off ang iyong return parcel sa loob ng 5 calendar days matapos na i-accept ng Shopee o ng seller ang iyong return request. Kung hindi, ang return request ay automatically canceled at ang bayad ay ipapadala na sa seller. |
I-repack ang mga item na isasauli at pumunta sa pinakamalapit na branch ng J&T Express. Hindi mo kailangang mag-print ng kahit ano para sa J&T return. Ipakita lamang ang tracking number na makikita sa Return/Refund Details page.
Maaari mong i-check ang pinakamalapit na J&T branch sa iyong lugar sa pamamagitan ng pagpindot sa View all branches. Ang displayed/suggested J&T branches ay base sa iyong delivery address. Maaari ka rin pumili ng iba pang branch locations sa pamamagitan ng pag-type nito sa search box.
Sa branch, ipakita sa counter ang item na ibabalik at ang tracking number na nakasaad sa app. Susuriin ng staff ng J&T Express ang item na ibabalik. Ipi-print ng staff ang iyong J&T Express Drop Off Return Label para i-attach sa iyong package. Ang pagre-return ng item ay walang bayad.
⚠️ Note Ang J&T ay magpo-provide lamang ng pouches at packaging tapes sa branch. Ang mga high-value, fragile, o mga items na idineliver nang nasa box packaging - ay dapat dalhin kasama ang original box packaging. Tiyakin na hindi muna ito selyado upang ma-inspect muna ito ng J&T staff. Maaaring i-reject ng J&T ang iyong parcel matapos ang inspection ng items at packaging nito. |
Maaari mong i-track ang iyong return parcel shipping information sa Shopee app. Hintayin lamang na ma-validate ng Shopee o ng seller ang iyong return parcel. Mangangailangan ng hanggang 11 araw ang Shopee upang i-process ang iyong refund kung ang returned parcel ay successfully verified.
May dalawang (2) paraan para mag-return ng order:
Drop Off via J&T
Self Arrange gamit ang iyong preferred courier
Alamin ang iba pang tungkol sa pag-raise ng return and refund request at pagkuha ng refund.