Hi, how can we help?

How to return your order via Drop Off? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Pwede mo nang magsauli ng iyong order nang libre at i-track ito sa app. Maaaring piliin ang Drop Off para ibalik ang iyong mga order gamit ang SPX Express at J&T Express.


Drop Off

Sa pag-request ng Return/Refund, piliin ang Select Return Method > Drop Off > Pumili kung SPX Express o J&T Express > Pindutin ang Confirm.


Selecting-Drop-Off-to-return-your-orders-TAG.gif


⚠️Tandaan

• Pakisiguro na itago ang orihinal na packaging ng mga parcel na nais mong ibalik.  

• Ang J&T Express at SPX Express ay nagbibigay lamang ng libreng pouches at packaging tapes sa kanilang branch.  

• Ang mga high-value at fragile items na idineliver nang nasa box packaging ay dapat dalhin kasama ang orihinal na box packaging.  

• I-drop off ang iyong return parcel sa loob ng 5 araw matapos tanggapin ng Shopee ang iyong return request. Kung hindi, ang return request ay awtomatikong makakansela at ang bayad ay ibibigay na sa seller.  


I-repack ang iyong mga items para sa pagbabalik at pumunta sa pinakamalapit na SPX Express o J&T Express branch. Hindi mo na kailangan mag-print ng kahit ano. Ipakita lamang ang tracking number na nasa Return/Refund Details page.


Viewing-tracking-number-TAG.gif


Maaari mong tingnan ang pinakamalapit na Drop Off branch sa iyong lugar sa pamamagitan ng pagpili sa View all branches. Ang mga ipapakitang branch ay batay sa delivery address ng iyong order. Maaari mo ring tingnan ang iba pang branch location sa pamamagitan ng pag-type nito sa search box.


Selecting-Drop-off-Branch-for-SPX-TAG.gif


Sa branch, ipakita sa counter ang item na ibabalik at ang tracking number na nakasaad sa app. Susuriin ng SPX Express o J&T Express Drop Off staff ang item na ibabalik. Ipi-print ng staff ang iyong Drop Off Return Label na siyang ididikit sa iyong package. Libre ang pagbabalik ng item (walang kailangan bayaran na shipping fee).


Maaari mong i-track ang shipping information ng return parcel sa Shopee app. Pakiusap na bigyan ng panahon ang Shopee o ang iyong seller na i-validate ang return parcel. Aabot ng hanggang 11 araw para iproseso ng Shopee ang iyong refund kung ang ibinalik na parcel ay matagumpay na na-verify.


Viewing-return-progress.gif



Alamin ang iba pang tungkol sa pag-return ng order, pag-raise ng return and refund request at pagkuha ng refund.

Was this article helpful?
Yes
No