Hi, how can we help?

[Shipping Returns] How do I pack my parcel for return/refund? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

 

Para sa SPX Returns

Iabot lang ang return item sa SPX rider. Ang SPX na ang bahala sa pag-pack at pag-attach ng airway bill (AWB). SPX rin ang magpo-provide ng lahat ng packaging materials tulad ng pouches, boxes, bubble wrap, cling wrap, printed AWBs. Kukuhanan ng rider ng litrato ang item bago at pagkatapos ito i-pack bilang proof.

 

Para sa Other Couriers

  • Ibalot nang maayos at secured ang item gamit ang original packaging (hal. box o poly mailer na may bubble wrap) para maiwasan ang damage habang nirere-turn sa seller o Shopee Warehouse.

 

Kung sira na ang original packaging, sundin ang mga ito:

  • Siguraduhing kumpleto ang return items, accessories, at documentation

  • Balutin ang produkto ng 1–2 layers ng bubble wrap o dyaryo at i-secure gamit ang tape
    Ilagay sa tamang laki ng corrugated box (hindi sobrang laki o sobrang liit) at i-seal nang maayos

  • Kung pouch ang gamit, piliin ang tamang size, siguraduhing snug ang fit, at may espasyo para sa airway bill

  • Iwasan ang maluwag na packaging na may sobrang space sa loob

  • Isulat ang Request ID at Return Tracking Number (para sa SPX Express returns) sa pouch o box para mas madaling ma-track.

 

Para sa fragile items, lagyan ng label ang parcel gaya ng “Fragile,” “Handle with care,” o “This side up” para maalala ng courier na ingatan ito.

 

 


Siguraduhing nakaayos nang maayos at nasa original condition ang product(s) na irere-turn, kasama ang lahat ng original inclusions tulad ng:

  • Brand packaging

  • Free gifts

  • Warranties

  • Tags

  • Manuals

  • Accessories

 

Para mas mapabilis ang processing ng return mo, maglagay ng note sa loob ng parcel na may:

  • Iyong Shopee username

  • Order ID o Return ID

  • Reason for return (hal. damaged, defective, o wrong item)

 

⚠️Tandaan

• Ang Shopee ay hindi responsable sa anumang sira sa return parcel na dulot ng hindi maayos na packaging.

• Maaaring dumaan ang parcel sa maraming handling points gaya ng loading, unloading, at sorting, kaya siguraduhing secure ang packaging para makayanan ang biyahe.

• Ang mga drop-off branches ay nagbibigay lang ng libreng pouches at packaging tape.

• Para sa mga high-value, fragile, o items na originally delivered in a box, siguraduhing isama ang original box packaging. Kung hindi maayos ang pagkaka-pack, maaaring tanggihan ng courier ang item.

 

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied