For the English version of this article, click here.
Ang ShopeePay ay ang opisyal na in-app e-wallet ng Shopee na regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maaaring gamitin bilang ligtas na cashless payments para sa mga sumusunod:
• Mga online transactions sa Shopee - hal. Shopee orders, pagbili ng mobile load, at pagbabayad ng mga bill
• Offline (QR) transactions sa mga merchant na tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng ShopeePay
• Pagtanggap o pagpapadala ng pera sa mga gumagamit ng Shopee, mga e-wallet, at mga bangko
Dalawang paraan para ma-access ang ShopeePay:
1. Mula sa Shopee App homepage, pindutin ang ShopeePay wallet
2. Mula sa Me tab, pindutin ang ShopeePay
Pag-activate ng ShopeePay at Fully-Verifying ng iyong Account
I-activate ang iyong ShopeePay account sa pamamagitan ng pag-accept ng terms at pag-set up ng iyong ShopeePay PIN. Siguraduhing i-verify ang iyong account upang mapataas ang iyong wallet limit hanggang ₱100,000 at magamit ang iba pang ShopeePay features.
Non-verified | Fully Verified | |
Monthly Inflow Limit Kabuuang halaga na maaaring ipasok sa ShopeePay wallet | ₱10,000 | ₱100,000 |
Monthly Outflow Limit Kabuuang halaga na maaaring ilabas mula sa iyong ShopeePay wallet | ₱10,000 | ₱100,000 |
Wallet Balance Pinakamataas na halaga na maaaring laman ng iyong ShopeePay wallet | ₱50,000 | ₱100,000 |
⚠️Tandaan Ang lahat ng non-verified users ay kailangang mag-submit ng additional information upang maiwasan na mawala ang access sa ShopeePay services. |
Para sa full terms and conditions, maaari mo itong makita dito o sa pamamagitan ng pagpunta sa Me tab ng iyong ShopeePay Wallet > Settings ⚙ > Our Policy > Terms and Conditions > basahin ang ShopeePay Terms of Service.
Para sa mga katanungan at karagdagang tulong, ang ShopeePay Customer Service ay maaaring kontakin sa mga sumusunod:
Channels | Schedule |
Internet call via app | 7:00 AM hanggang 7:00 PM |
Chat via app | 24/7 |
Call via 02 8880-5200 | 8:00 AM hanggang 5:00 PM |
9:00 AM hanggang 7:00 PM | |
24/7 |
Ang ShopeePay Philippines, Inc. ay pinapangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (https://www.bsp.gov.ph/).