Hi, how can we help?

Ensure Safe and Secure Transactions with ShopeePay

For the English version of this article, click here.

 


Subukan ang madali at rewarding na digital payment service gamit ang ShopeePay, ang mobile wallet ng Shopee. Mag cash-in, magpadala ng pera, bumili ng load at magbayad online at offline sa ilang pindot lang.


Upang matiyak ang seguridad ng iyong impormasyon at ng iyong mga ShopeePay transactions, inirerekomenda namin ang mga sumusunod na tips at guidelines:

1. Ingatan ang login ID at password o PIN.

• Huwag ipamigay ang iyong login ID, password, at ShopeePay PIN.

• Maaari mong gamitin ang iyong face ID o i-scan ang iyong fingerprints sa sensor para i-activate ang biometrics.

• Huwag i-save ang mga login credential (hal. ID, password, ShopeePay PIN) sa computer o mobile phone.

• Regular na palitan ang mga password o PINs at iwasang gumamit ng mga password na madaling hulaan gaya ng mga pangalan o kaarawan.

Changing-your-ShopeePay-PIN-via-Wallet-TAGLISH.gif


2. Panatilihing lahat ng impormasyon ay private at confidential.

• Huwag ibahagi ang personal na impormasyon (hal. address, mother’s maiden name, phone number, social security number, bank account number, email address) maliban kung ang humihingi nito ay mapagkakatiwalaan at maaasahan.


3. Ingatan ang mga records ng lahat ng iyong online transactions.

• Regular na i-check ang transaction history details upang matiyak na walang unauthorized transactions.

• Regular na i-check ang emails, SMS messages, at Shopee push notifications para sa information ng mga transactions.

• Kaagad na ipagbigay-alam sa Shopee Customer Service kung may mga hindi authorized na transactions sa iyong account.

Viewing-all-ShopeePay-transactions-TAGLISH.gif


 

4. I-check kung secure at tama ang website.

• Mag-ingat sa mga bogus o mga website na kamukha lamang at ginawa upang lokohin ang mga mamimili. Ang Shopee’s official e-commerce platform ay shopee.ph.

• Suriin kung ang website ay "secure" sa pamamagitan ng pag-check sa Universal Resource Locators (URLs) na dapat ay nagsisimula sa "https" at may isang closed lock icon sa status bar ng browser. Upang ma-confirm ang authenticity ng site, i-double click ang lock icon upang ipakita ang impormasyon ng security certificate information site.

Ensure Safe and Secure Transactions with ShopeePay.png

• Palaging i-type ang website URL direkta sa web browser. Iwasang ma-redirect sa ibang website na maaaring hindi secured. 

• Kung maaari, gumamit ng software na nag-e-encrypt o nag-i-scramble ng mga impormasyon kapag nagpapadala ng sensitibong impormasyon o nagsasagawa ng mga transaksyon sa e-banking. 


5. Protektahan ang mga personal na computer mula sa mga hacker, virus, at malicious programs.

• Mag-install ng personal firewall at mapagkakatiwalaang antivirus program upang maprotektahan ang iyong personal computer mula sa mga virus attacks at malicious programs.


6. Huwag iwanan nang walang bantay ang mga computer habang naka-log in. 

• Mag-log off mula sa kahit anumang Internet banking website kung ang iyong computer ay iiwanan, kahit na ito’y panandalian lamang.

• Palaging mag-log off kapag nakumpleto ang isang e-banking transaction at i-clear ang memory cache at history transaction upang alisin ang account impormasyon.


7. Tingnan ang website’s privacy policy at disclosures.

• Bago magbigay ng kahit anumang personal financial information sa isang website, alamin kung paano gagamitin o ibabahagi ang impormasyon sa iba at tiyaking binabasa at nauunawaan mo ang website disclosures partikular sa refund, shipping, account debit/credit policies, at iba pang mga Terms and Conditions.

 

8. Iba pang mga hakbang sa seguridad sa internet

• Huwag magpadala ng anumang personal na impormasyon partikular na ang password o PIN sa pamamagitan ng ordinaryong e-mail.

• Kontakin ang Shopee Customer Service tungkol sa security concerns at solusyon sa anumang isyu sa online e-services account.

 

9. Credit cards at mobile phones

• Huwag ipaalam sa sinuman ang impormasyon ng iyong credit card.

• Ang fraudulent use ng credit cards ay hindi limitado sa pagkawala o pagkakanakaw ng aktwal na card. Kailangan lang malaman ng isang kriminal ang iyong credit card number upang gumawa ng maraming charges sa account.

• Siguraduhing lagdaan ang lahat ng iyong mga credit card sa sandaling matanggap mo ang mga ito.

• Huwag ipaalam ang iyong Mobile Banking PIN (MPIN) sa sinuman.

• Huwag hayaang gamitin ng ibang tao ang iyong mobile phone na naka-ugnay sa iyong Shopee account. Kung nawala o nanakaw ang phone, i-report kaagad ang insidente sa Shopee Customer Service.

Was this article helpful?
Yes
No