For the English version of this article, click here.
Maaaring magtop-up ng Beep Card gamit ang Shopee. Para gawin ito, pumunta sa Loads, Bills & Travel sa Homepage > Beep Card > ilagay ang Beep Card Account Number > Pumili ng voucher (Optional) > ilagay ang Top Up Amount > Checkout > pumili ng Payment Option > Confirm > Pay Now.
⚠️Tandaan · Mayroong convenience fee na Php 5 na ma-chacharge sa bawat transaction kahit magkano ang top-up amount. · Siguraduhing ilagay ang tamang Beep Card number at top-up amount. Kapag natapos ang payment, pumunta sa pinaka malapit na beep™ e-load station at pindutin ang Beep card para ma-retrieve ang biniling top-up amount. |
Ang Beep Card Number ay makikita sa likuran ng iyong Beep Card.
Maaaring i-check ang balance ng iyong Beep card sa mga ito:
Sa Beep App na makikita sa Apple App Store o Google Play Store
Sa mga establishment gaya ng Ministop, Family Mart, Wendy’s, atbp. na merong Beep card readers.
Sa mga LRT at MRT stations kapag ito ay tinap sa card reader ng Ticket Vending Machine (TVM) o kumapit sa teller window booths.
Sa mga Bus Terminals na merong designated Beep windows o Beep booths.