Hi, how can we help?

How to join the Shopee Affiliate Program? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ang Shopee Affiliate Program ay para sa mga seller o sinumang influencers gaya ng vloggers, bloggers, tiktokers, at social media personalities na pinagkakakitaan ang kanilang content sa pamamagitan ng pag-share ng mga produkto mula sa Shopee sa kani-kanilang social media platform.

 

Para maging bahagi ng Shopee Affiliate program, sumali dito.

 

⚠️ Tandaan

Kung ikaw ay isang seller, maaari ka pa ring sumali sa Shopee Affiliate program hangga’t ikaw ay nananatiling isang influencer/vlogger/blogger/tiktoker at pasado sa aming criteria. 



Mga criteria upang makasali sa Shopee Affiliate

  • May hindi bababa sa isang (1) post sa nakalipas na 14 araw sa anumang social media platform

  • Dapat ay naka-base sa Pilipinas.



Pag-set up ng Shopee Affiliate account

Para sa mga qualified users, pumunta sa Shopee Affiliate Program website > pindutin ang Login > ilagay ang iyong Shopee Account > Enter

 

Matapos ang registration, punan ang mga sumusunod na bahagi:

  1. Account Type: Individual

  2. Punan ang iyong personal information

  3. Tiyakin na ma-verify ang iyong email address.

 

Para sa iyong Social Media platform at category:

  1. Ilagay ang URL ng iyong main social media account at hanggang 9 na iba pang website links

  2. Pumili ng isa o higit pang categories na nais i-promote

  3. Partner Type: Blogger/Social Media

  4. Ipaalam sa amin kung saan nalaman ang tungkol sa program

  5. Basahin ang Shopee Affiliate Program Terms and Conditions



⚠️ Tandaan

• Ang registration ay karaniwang tumatagal hanggang 30 araw para i-review o mas matagal pa depende sa dami ng applications na aming natanggap. Paki-check ang iyong spam folder dahil minsan ay doon napupunta ang aming email.

• Kung ang iyong application ay rejected, maaaring hindi mo naabot ang isa sa mga requirement/criteria. Tiyakin na i-check muli ang mga criteria bago muling mag-submit ng application.

Ang paggawa ng multiple accounts ay HINDI PINAPAYAGAN sa program. Ito ay maaaring magresulta sa fraud tagging at ipatigil ang iyong affiliate account.



Alamin ang iba pang tungkol sa Shopee Affiliate Program.

Was this article helpful?
Yes
No