For the English version of this article, click here.
Kung eligible ka para sa SPayLater, pwede mo itong gamitin para magbayad ng iyong mga order pagkatapos ma-activate sa Shopee App.
Habang nasa checkout, pindutin ang Payment Option > piliin ang SPayLater > CONFIRM > Place Order > ilagay ang iyong ShopeePay PIN o i-verify gamit ang iyong biometrics (fingerprint/face ID).
⚠️Tandaan · Tiyakin mong piliin ang tamang payment plan (Buy Now Pay Later / Installment x2 / Installment x3) bago mag-check out, dahil hindi na ito mababago kapag naipasa na ang order. · Kung hindi mo pa na-set up ang ShopeePay, puwede mong ilagay ang verification code na ipinadala sa iyong nakarehistrong mobile number imbes na ang ShopeePay PIN. · Ang mga detalye ng SPayLater billing ay lalabas sa SPayLater page sa ika-5 o ika-25 ng buwan, depende sa iyong billing cycle, at isasama ang mga natapos at na-refund na order. · Magbayad ng iyong bills bago ang ika-5 o ika-15 ng susunod na buwan, pero mas mabuti kung bayaran ang SPayLater bills nang maaga. |
Bago ka pumili na magbayad gamit ang SPayLater, unawain ang detailed terms at conditions upang malaman kung eligible ka at kung ang mga payment plan ay akma sa iyo.
Mag-check out gamit ang SpayLater at iba pang payment method
Kung ikaw ay may bibilhin gamit ang SpayLater at hindi sapat ang iyong credit limit, maaari mong gamitin ang natitirang credit limit at idagdag ang iba pang payment method (maliban ang Cash on Delivery at Credit card) upang ipambayad.
Sa Payment Option > SPayLater > Bayaran ang pending amount gamit ang ibang payment method > CONFIRM > Place Order > ilagay ang iyong ShopeePay PIN number o ang Verification Code na ipinadala sa iyong mobile number > CONTINUE.