Hi, how can we help?

Shopee Biller Guide List (TAG)

For the English version of this article, click here.



Sa Shopee Bills Payment ay madali ka nang makakapagbayad ng iyong mobile plan, credit card, landline, internet, water, TV Cable, electricity, at iba pang bills gamit ang iyong mobile phone.


⚠️Tandaan

• Maaaring magkakaiba ang pagtugon ng ibang billers para sa mga non-user related errors. Maaaring magtanong sa Shopee Customer Service para sa ibang detalye. 

• Maaaring magkaroon ng convenience fees para sa ilang billers. Sumangguni sa table sa ibaba para sa buong listahan ng mga fees at iba pang requirements.

• Bilang user, responsibilidad mo ang iyong account information na ipapasok sa system. Laging tiyakin na ang lahat ng detalye ibibigay ay tama at kumpleto bago magbayad. Kung nagkaroon ng pagkakamali sa pagbabayad, maaaring kontakin ang iyong biller. 



Para sa mga approved refund request:

  • Para sa non-user-related errors/issues (hal. failed transactions dahil sa system error), ikaw ay makakatanggap ng refund mula sa aming system sa loob ng 24-48 oras. Ang kabuuang halaga na ibinayad (Bill Amount + Convenience Fee (kung mayroon) ay ibabalik sa user. 


  • Para sa user-initiated errors/issues (hal. maling account number ang naipasok, maling biller ang napili, atbp.), tanging ang bill amount ang ire-refund sa user. Ang Convenience Fee (kung mayroon man) ay hindi na maibabalik.



Alamin ang iba pang tungkol sa Shopee Bills payment at kung paano magbayad ng bills nang online gamit ang Shopee.
Was this article helpful?
Yes
No