For the English version of this article, click here.
Opo, basta’t ang medicine/health supplement ay nasa kategorya ng mga gamot na pinapayagang ibenta. Pinahihintulutan ng Shopee ang pagbebenta ng mga over-the-counter medicines at health supplements na pasok sa Food and Drug Administration (FDA)’s guidelines.
Mag-ingat at iwasang bumili ng mga sumusunod na klase ng gamot online:
Prescription medicines
Regulated medicines (walang online sales license)
Health supplements na may mali, di-malinaw, o pekeng claims
Mga ipinagbabawal na gamot na ilegal na gawin, ibenta, o gamitin
Narito ang ilan sa mga paraan para malaman kung ligtas ang bibilhing medicine/health supplement:
Kumpleto at untampered ang packaging
Base sa product image, ang nilalaman ng medicine/supplement ay dapat na well-sealed at walang senyales ng tampering.
Ang mga letra at kulay ng medicine/supplement ay malinaw ang pagkaka-print at tugma ang hitsura mula sa official manufacturer.
Tiyakin na walang maling spelling o grammatical errors sa packaging print.
Malinaw na expiration date sa Product Description
Dapat ay may nakalagay na expiry date sa product image o kaya’y sa Product Description.
Registered license
I-check kung ang seller ay may official license
Verifiable details
I-check ang manufacturer's address
Kung mayroong QR code, subukan kung ito ay naka-link sa manufacturer's official website
Upang mas makasiguro, sumangguni sa listahan ng Food and Drug Administration (FDA) para sa mga health products at services.
Kung ikaw ay makakakita sa listings ng hindi alinsunod sa mga nabanggit na guidelines, o kahit anong produkto na sa tingin mo ay peke o ilegal na ibenta sa Shopee, maaari mong pindutin ang Report this product sa kanyang product page, gamit ang Shopee App. Alamin ang iba pa tungkol sa kung paano mag-report ng isang produkto.