Hi, how can we help?

Safety tips to avoid being hacked or scammed (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

 

Narito ang ilan sa mga tips na makakatulong upang maging ligtas ka at ang iyong account mula sa mga hackers at scammers para maiwasan ang mga fraudulent transaction.

  1. Huwag ipagkalat ang iyong password sa kahit na sino.

  2. Maging mapagmatyag kung mayroong nagtatanong tungkol sa iyong bank account information.

  3. Maging mapanuri kapag nakatanggap ng mga text messages na mayroong links. 

  4. Huwag i-forward o ibahagi ang iyong one-time password (OTP) gamit ang email, chat, SMS, o tawag. 

  5. Huwag mag-log in sa iba’t-ibang devices.

  6. Maging maingat kapag nakatanggap ng anumang random call para maiwasan ang posibleng phishing. 

  7. Iwasang makipag-transaksyon sa labas ng iyong Shopee App.

  8. Laging i-check ang iyong current orders at mga transactions, lalo na ang mga COD orders, bago tumanggap ng isang order.

 

Iwasang ma-scam ng mga manloloko sa pamamagitan ng pag-check ng mga sumusunod:

1. I-check ang domain ng website at hanapin ang padlock icon sa address bar.

 

Sample Laptop Layout Tips_1.png

Sample Laptop Layout Tips_2.png

 

2. I-browse ang website para sa anumang mali o misspelled words.

 

Sample Laptop Layout Tips_3.png

Sample Laptop Layout Tips_5.png

 

3. Ang mga official Shopee surveys ay ibinibigay lamang sa loob ng app o website.

 

 

Sample Correct:Tips Layout_1.png

Sample Laptop Layout Tips_7.png

 

⚠️ Tandaan

Laging isipin na ang Shopee ay hindi hihingin ang iyong password, o bank account details, o di kaya’y ipa- forward ang iyong OTP gamit ang chat, email, SMS, o tawag. Panatilihing ligtas ang mga ito at ang iyong Shopee account.

 

4. Iminumungkahi na gamitin ang mga Shopee supported payment options sa lahat ng iyong mga transaction upang maging ligtas ang iyong pagbabayaad.

 

Sample Laptop Layout Tips_7.png

 

5. Kapag nakatanggap ka ng mensahe mula sa Shopee o may dumating na COD order ngunit hindi ka sigurado kung sino ang bumili, kontakin ang aming Customer Support Team para ma-validate ang information o transaction.

 

Maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang SMS dahil sa bagong phishing trend na kayang galawin ang iyong Bank Accounts sa pamamagitan ng pagpindot ng link sa isang unofficial Shopee SMS na kalauna’y magta-transfer ng halaga patungo sa hacker’s account. 

 

Halimbawa:

 

Sample Laptop Layout Tips_8.png 

 

Kapag nakatanggap ka ng mga SMS gaya ng nasa ibaba na magdadala sa iyo sa isang link, huwag tumuloy sa naturang website dahil ito ay isang uri ng phishing na ipinadadala ng mga manloloko upang makakuha ng mga data na kailangan nila.

 

Sample Laptop Layout Tips_9.png

 

Alamin ang iba pang paraan para protektahan ang iyong sarili mula sa mga online scams at fraudulent activities

Was this article helpful?
Yes
No