For the English version of this article, click here.
Ang kaligtasan at seguridad ng mga customers ay ang aming top priority sa Shopee. Napag-alaman namin na nagkakaroon ng napakaraming fraudulent transactions kapag ang buyers ay nadadala palabas ng Shopee platform.
Kung kaya’t iwasan ang makipag-transaksyon sa labas ng Shopee upang hindi ma-scam at maprotektahan ang sarili mula sa mga fraud transactions.
Hindi matitiyak ng Shopee ang validity ng mga transaction na ginagawa sa labas ng Shopee App o website.Kung may makitang anumang outside transaction, agad itong i-report sa amin.
Iminumungkahi namin na gamitin ang mga Shopee Supported Payment Methods para sa ligtas na transactions in-App o web.
Narito ang mga Shopee Supported Payment Methods:
ShopeePay
SeaBank
SPayLater
Cash on Delivery
Payment Center / E- Wallet
Credit/ Debit Card
Online Banking
Linked Bank Account
Mga pinapayagang transaksyon sa loob ng Shopee:
1. Maaaring padalhan ng mensahe ng seller ang buyer kaugnay ng customer service, gaya ng:
Pagbati sa buyer (hal: kung may okasyon)
Pag-promote ng Seller Shop ng mga upcoming promotion at discounts, bagong produkto o restock, atbp. (hal, “Please follow my store”, “Please buy/come again next time”, atbp.)
Mga mensaheng tungkol sa order (hal, Cancellation, Delivery Time)
2. Pag-redirect sa buyers sa isang link upang magbigay-linaw tungkol sa isang produkto (hal, para matiyak ng seller kung tama ang item, para malaman ng buyer kung may ibinebentang kahalitulad o kamukha ng isang item , atbp.)
Mga transaksyon na hindi pinapayagan:
Pagpo-promote ng negosyo ng seller at pagtuturo sa Shopee user na lumabas ng Shopee para bumili.
Pagbabahagi ng seller ng kanyang mga personal na contact information at hinihikayat ang Buyer na kontakin siya upang makabili o magbenta sa labas ng Shopee (hal. pagbabahagi ng contact details gaya ng phone number, personal payment information, email address, Facebook link, atbp.)
Halimbawa ng Scam/Fraud:
Dadalhin ka ng seller sa ibang website at hihikayatin ka na doon gawin ang transaksyon
Pagbili sa isang order na nangangailangan ng down payment o advance payment.
Pagpapadala ng emails mula sa mga websites na kamukha ng Shopee.
Pagre-report ng nakitang Scam/fraud
Kapag nakakita ka ng scam/fraud, mga panghihikayat na mag-transact sa labas ng Shopee, o anumang kahina-hinala o mga di-angkop na gawain, i-report ito agad sa amin. Ang iyong kaligtasan at seguridad ang aming top priority.
Alamin ang mga safety tips para maiwasang ma-hack o ma-scam.