For the English version of this article, click here.
Ang Bundle Deals ay isang uri ng promotion kung saan maaari kang bumili ng mga magkakasamang produkto sa mas murang halaga.
Halimbawa, ang isang Bundle Deal ay maaaring may label na “Any 3 enjoy 15% off". Kaya kapag binili mo ang kahit ano sa 3 produkto na nasa selection, maaari mo itong makuha ng 15% off ng total price.
Para makita ang produkto na mayroong offer na Bundle Deal, hanapin ang produkto na may label na ganito:
Kapag nasa product page na, piliin ang See All sa ilalim ng Bundle Deal promotion > pindutin ang cart icon sa nais na produkto > Add to Cart.
Sa Top bar makikita kung ilang item ang kakailanganin mong orderin upang makumpleto ang Bundle Deal.
Kung ang seller ay may Bundle Deal na multiple tier, maaari mo ring makita ang iba’t-ibang tiers nito.
⚠️Tandaan • Ang additional items na lagpas na sa Bundle Deal requirement ay babayaran sa original nitong price. • Ang limit ng product para sa Bundle Deals ay depende sa seller o sa ongoing promotion criteria. I-check sa checkout page para makita ang promotion na angkop para sa iyo para malaman kung kailangan mo pang magdagdag ng item sa cart. • Kung kasalukuyang may Flash Deals ang produktong napili, ang Bundle Deal promotion ay hindi magagamit. |
Kung hindi magamit ang promotion, irefresh ang Shopee App, i-clear ang shopping cart, at subukan muli. Kung hindi pa rin gumana, i-screenshot ito at tumawag sa seller or sa Shopee Customer Service.