Hi, how can we help?

Data Privacy Guidelines for Shipments and Delivery

For the English version of this article, click here.

 

 

Sa patuloy na pagpapaganda ng aming serbisyo, narito ang mga Data Privacy Guidelines para sa Shipments at Delivery para sa ating mga buyers at sellers:


Ano ang aming hinihingi, at bakit?

Kami ay humihingi ng mga litrato ng delivery mula sa ating mga Third-Party Logistics (3PL) partners. Ang pagkuha ng mga litrato ay isinasagawa gamit ang secured rider application interface ng 3PL, at/o ang company-issued mobile phone ng 3PL rider, kung anuman ang angkop. Ang mga Delivery Photo ay naglalayong matulungan ang mga customer na malaman kung ang kanilang package ay maayos na nai-deliver at saan idineliver, na-pick up, o kung ito ay cancelled upang matiyak ang kapakanan ng mga Buyers, Sellers & Partners, at para na rin sa mga internal audit purposes.  


Iminumungkahi namin na ang Buyer/Recipient ay pumayag na makuhanan ito ng Proof of delivery ng aming mga Third-Party Logistics (3PL) partners dahil ito ay makatutulong sa mas maayos na pagresolba ng applications para sa return/refund, kung magkaroon man.



Paraan ng paghingi

Ang paghingi ng permiso ay ang isa sa mga mahalagang bahagi ng pagkuha ng delivery photos. Bago kumuha ng delivery photo ng Customer/Recipient/Data Subject na may parcel, dapat ay LAGING humingi muna ng PERMISO mula sa Customer/Recipient/Data Subject ang 3PL Rider.

 

Kung sakaling ang Customer/Recipient/Data Subject ay tumanggi sa nabanggit, ang 3PL rider ay hihingiin na lamang ang permiso sa Customer/Recipient/Data Subject para makuhanan ng litrato ang mga sumusunod:

 

  1. Numero ng bahay at ang parcel 

  2. Parcel na may GeoTagging 

 

Sa lahat ng pagkakataon, ang delivery photo ay dapat na nakatutok sa package at malinaw na ipinapakita ang airway bill. 

 

Kung sakaling ang anuman sa mga nabanggit ay tinutulan ng Customer/Recipient/Data Subject, itatala ng 3PL rider na ang Recipient ay hindi pumayag para sa delivery photo at gagamitin na lamang ang GeoTagging bilang proof of delivery. Ang GeoTagging a ang proseso ng paglalagay ng geographical information sa isang platform. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga media files upang makatulong na matukoy ang exact location. Ito ay gagamitin upang malaman ang designated location ng Seller o Buyer.

 

Kung walang sinuman ang tatanggap ng package, ang delivery ay isasauli sa sender at ang 3PL rider ay gagamitin ang GeoTagging bilang proof na sinubukan ang delivery.

 

Kung ang mga nakuhang litrato ay gagamitin sa iba pang paraan, dapat itong ipaalam sa customer kung saan ito gagamitin at muling hingin ang kanilang permiso.

 

Ang mga package ay dapat na hindi i-deliver o iwanan sa mga menor-de-edad maliban kung may written instructions ang buyer na siyang magulang o guardian nito. Hindi dapat kuhanan ng litrato ang menor-de-edad sa anumang pagkakataon. 


Kung sakaling ang menor-de-edad ang siyang tatanggap ng delivery bilang kahalili at may written instructions ito mula sa buyer; ang Shopee, 3PL Provider, at ang 3PL Rider ay walang anuman at kahit anong pananagutan sa Buyer, anuman ang mangyari.



Data Retention

Ang mga Delivery Photos at GeoTagging information ay mahigpit na panghahawakan basa sa retention policy ng 3PLs. Kung ang 3PL ay walang retention policy, ang mga nakuhang litrato ay dapat na panghawakan sa loob lamang ng 90-araw mula nang ito ay kinuhanan at hangga’t walang legal o compliance requirements na nag-uutos na mahawakan pa ito nang mas mahabang panahon.

 

Ang mga nakuhanang Delivery Photos ay dapat na makikita rin sa Shopee app order at delivery details ng Buyer sa loob ng siyamnapung (90) araw matapos itong i-upload ng 3PL Partner. 



Mga Tanong o Concern

Kung ikaw ay may mga katanungan o paglilinaw tungkol sa Shopee’s privacy policy, maaari mong basahin dito kung paano ginagamit at iniingatan ng Shopee ang iyong mga datos. Kung may mga tanong naman at concerns tungkol sa privacy practices ng Shopee o sa iba pang Shopee Services, huwag mag-atubili na kontakin kami sa pamamagitan ng pag-e-mail sa dpo.ph@shopee.com. 

Was this article helpful?
Yes
No