Hi, how can we help?

Guidelines of Shopee Live (TAG)

For the English version of this article, click here.



Bago mag-livestream:

 

1.  Tiyakin na nakahanda ka nang mabuti bago mo simulang mag-host ng iyong stream: 

  • Gumamit ng phone o  laptop na may high-quality camera

  • Gumamit ng tripod para mapanatiling nakapirmi ang iyong phone o ipatong ang iyong laptop sa pantay at mataas na patungan. Tiyakin na maayos na naka-posisyon ang iyong camera nang eye level o mas mataas nang bahagya. 

  • Ang pagkakaroon ng stable internet connection habang nagi-stream ay mahalaga. Iminumungkahi na magkaroon ng internet speed nang di bababa sa 10 Mbps upang masigurado ang tuloy-tuloy na streaming. Kung maaari, maghanda ng backup internet connection (hal. isang prepaid WiFi connection o mobile phone data).

  • Tiyakin na may maayos na ilaw upang maging maliwanag at kaaya-aya ang iyong stream.

  • Magdamit ng maayos at maging presentable para sa live stream. 

 

2. Gumamit ng kapansin-pansing cover photo at title para sa iyong audience:

  • Photo:

    • Gumamit ng photo sa tumutukoy sa magiging laman ng iyong live stream

    • I-upload ang litrato nang nasa square format, na may image size na di-lalagpas sa 200 KB

  • Title:

    • Gawin itong maigsi ngunit malinaw upang makakuha ng atensyon

    • Hindi hihigit sa 20 characters (kabilang ang lahat ng letra at space)

Halimbawa: “10 ways to improve your skin”, “Hacks for the modern career mum”, “Favorite jeans for the Summer”, at “Watch and win makeup brushes”

 

⚠️ Tandaan

Maaari mo ring idagdag ang giveaways, freebies, o vouchers sa iyong title.

 

3. Hangga’t maaari, mag-focus lamang sa iisang main topic at iwasan ang makakahalong paksa sa iyong stream. 

 

4. Limitahan lamang sa 50 items ang Featured Products per stream para sa mas maayos na viewer experience. Basahin dito para sa iba pang detalye.

 

5. I-promote ang iyong live streams sa iyong mga social media account! Imbitahan ang iyong mga follower na sumali at manood sa iyong content. Makatutulong din ito upang malaman nila ang iyong livestream schedule.

 

 

Habang nagla-livestream:

 

1. Tiyakin na ang mga items na nais ipakita ay pasok sa livestream frame.

 

2. Aktibong makipag-usap sa iyong viewers at hikayatin sila na gamitin ang comments section para mas makapagtanong tungkol sa produkto (hal. product demos, close-up look sa items, atbp.)

 

3. Gamitin ang lahat ng Shopee Live’s features at tools na maaaring mong magamit:

  • Vouchers

  • Mine / Auction Feature

  • Poll Feature

  • Coin Rewards

 

4. Maaari ka ring magbigay ng mga special promo, vouchers, o giveaways sa bandang huli upang mapanatiling nakatutok ang viewers sa iyong stream! Siguraduhin lamang na maingat na gamitin ang mga vouchers at iwasang pansinin ang mga viewer na nais magdagdag ng produkto sa iyong Orange Bag.

 

5. I-check ang iyong real-time livestream performance sa “Livestream Dashboard”.

 

Livestream-Dashboard-TAG.gif

 

6. Panatilihing wasto at may respeto ang iyong mga kilos at salita. 

 

7. Maging tapat sa pagpe-presenta ng produkto at pagsasabi ng mga product detail nito. Lahat ng ibinebentang produkto ay dapat na alinsunod sa Listing Guidelines ng Shopee.

 

8. Manatili sa harap ng camera habang nagla-live stream. Ang pagpapalabas ng static screens, o yung walang nakikitang host o produkto ay ituturing na Moderate Violation.

 

9. Tiyakin na gumamit ng designated Shopee Partnered Remittance Center.

 

 

Pagkatapos ng livestream:

 

1. I-review ang iyong performance at alamin ang mga paraan kung paano mapagaganda pa ang iyong streams. Mas maganda na magtakda ng iyong sariling targets kung paano pagbubutihin ang iyong mga susunod na live streams.

 

Insight-Shopee-Live-TAG.gif

 

2. Mag-schedule ng iyong susunod na live stream. Iminumungkahi na magkaroon ng consistent schedule upang masanay ang iyong mga viewers.

 

 

Alamin ang iba pang tungkol sa Shopee Live at kung paano mag-report ng isang user.

Was this article helpful?
Yes
No