Hi, how can we help?

Lowest Price Guaranteed (LPG) FAQs

For the English version of this article, click here.

1. Sino ang kinikilalang competitors ng Shopee?

Sa kasalukuyan, ang mga kinikilalang competitors para sa pagkakahalintulad ay ang mga sumusunod:

  1. Lazada
  2. Zalora

 

2. Pwede ba akong magkumpara ng items sa loob ng Shopee?

Ang Lowest Price Guarantee ay pagkukumpara lamang sa mga competitors at hindi sa loob ng Shopee. Sa kadahilanang hindi natin makokontrol ang pagpe-presyo ng lahat ng sellers, maga-garantiya lamang ng Shopee ang mga items na mas mura kaysa sa ating mga competitors.

 

3. Maikukumpara ko ba ang isang item na ibinebenta locally laban sa produktong galing sa overseas kahit na ito ay magkapareho lang?

Ang price comparisons ay pinapayagan para sa mga item na may same point of origin lamang, (hal; local vs local, at overseas vs overseas). Ang pagkakaiba ng points of origin ay may direktang epekto sa product warranties at pricing mechanisms, kaya’t, hindi na ito sakop ng program.

4. Paano ko malalaman ang status ng aking claim?

Makatatanggap ka ng in-App notification tungkol sa feedback ng iyong claim kung ito man ay approved o rejected, sa loob ng 2-3 linggo mula sa petsa ng submission.

 

5. Magkano ang maaaring ma-claim sa isang araw?

Ikaw ay entitled para sa isang (1) valid claim bawat buwan, na may compensation na nagkakahalaga ng hindi tataas sa 1,000 Shopee Coins (ang standard currency para sa lahat ng items ay dapat na nasa Philippine Peso lamang).


⚠️ Tandaan

• Maaari kang mag-submit ng hanggang 3 claims bawat linggo na may magkakaibang Order IDs. 

• Claims with duplicate order IDs would be deemed invalid.

6. Paano isinasama ng Shopee ang mga produkto bilang Low Price Guaranteed?

Ang Shopee ay may complex system na siyang gumagawa ng price comparisons sa pagitan ng ating mga approved competitor(s).

 

Matapos na gawin ng system ang price comparison, maingat naming idaragdag ang identified low-priced products sa listahan.

 

Patuloy na dumarami ang listahan ng mga Low Price Guaranteed items sa Shopee dahil araw-araw namin itong dinaragdagan.

Maliban sa system check, maingat na nire-review ng Shopee ang lahat ng submitted reports/claims at dinidesisyonan ito kung accepted o rejected base sa mga terms and conditions.

 

7. Paano kino-compute ang compensation para sa LPG claims?

Ang total compensation para sa successful claim ay 120% ng price difference. Ang compensation sa bawat claim ay maaaring umabot nang hanggang ₱1,000 lamang.

 

Halimbawa:

Presyo ng item sa Shopee

₱1000

Presyo ng kaparehong item sa competitor site

₱300 

Difference

₱700 

Compensation multiplier 

120% or 1.2 

Raw compensation amount 

₱840

Final compensation amount 

840 Shopee Coins 

 

Matatanggap lamang ng user ang coins matapos niyang bilhin ang naturang item sa Shopee.

 

Ang pag-a-award para sa mga successful claim ay tuwing Biyernes at valid sa loob ng dalawang (2) buwan mula nang ito ay ibinigay.



Alamin ang iba pang tungkol sa Lowest Price Guaranteed (LPG) at kung paano mag-file ng LPG claims.

Was this article helpful?
Yes
No