For the English version of this article, click here.
⚠️Tandaan Siguraduhing masunod ang mga guidelines na inilalahad sa article na ito, kung hindi ay maaaring hindi tanggapin ang iyong Return/Refund request, at ang item ay ibabalik sa iyo. |
Kapag nagre-request ng Return/Refund, ikaw ay hihingian na mag-upload ng mga kinakailangang ebidensya. Kapag ang iyong Shopee Mall product ay na-approve for return, tiyakin na masunod ang mga guidelines sa ibaba.
Guidelines for the Required Inclusions When Returning to Shopee Warehouse:
Reasons | Original box and/or packaging | Original tags and/or Inclusions received | Description of item received* | ||||
Damaged | Has cosmetic damage | ||||||
Defective / faulty | No cosmetic damage but does not work as intended | ||||||
Wrong item | Smaller/bigger than what was ordered | ||||||
Misadvertised | Does not appear as how it was advertised | ||||||
Incomplete / missing inclusions | Necessary components or advertised inclusions are missing | ||||||
Signs of usage | Has dents,scratches, fingerprints, dirt, etc., and seal appears tampered/broken | ||||||
Doubt on authenticity | Has signs of piracy or counterfeit | ||||||
Expired | Expiration date on packaging is unreasonably close or completely surpassed | ||||||
* Condition of required inclusion may vary per product type
|
DAMAGED ITEMS
Ang natanggap na actual item ay may cosmetic/physical damages gaya ng: pagkayupi, gasgas, lamat, punit, butas, atbp.
Halimbawa:
ELECTRONICS: Ang actual item ay may gasgas, yupi, o lamat; ang digital screen ay di gumagalaw/di gumagana
APPAREL: Ang item ay may punit, laslas, mantsa, at butas; ang zipper ay sira
COSMETICS: Ang item ay basag, may tagas, atbp.
DEFECTIVE / FAULTY ITEMS
Ang actual item na natanggap ay walang pisikal na sira; gayunman, hindi ito gumagana o magagamit gaya ng inaasahan.
Halimbawa:
ELECTRONICS: Ang electronic item ay hindi bumubukas; ang mga chargeable item ay hindi nagcha-charge; ang digital screen ay namamatay at hindi gumagana
APPAREL: Ang mga manggas ay mali ang pagkakatahi; hindi maisara/mabuksan ang zipper
TOYS: Ang mga laruan na dapat na may tunog ay walang tunog o di kaya’y basag/pangit ang tunog
SHOES: Magkaparehong paa ang dumating na sapatos (2 left shoes)
MISADVERTISED ITEMS
Ang natanggap na actual item ay hindi kagaya ng ipinapakita online; pekeng patalastas
Halimbawa:
ELECTRONICS: HIndi magawa ng item ang feature na kaya daw nitong gawin ayon sa ads
APPAREL: Ang item ay yari sa 50% cotton at 50% polyester ngunit ipina-patalastas sa online bilang 100% cotton; hindi tugma ang sukat sa advertised sizing chart (tamang size tag ngunit mali sa aktwal na sukat)
WRONG ITEMS
Ang natanggap na actual item ay iba ang klase/kulay/sukat/pattern kumpara sa inorder; ibang item mismo ang ipinadala kumpara sa inorder
Halimbawa:
ELECTRONICS: Ang natanggap na item ay iba ang model/edition kaysa sa inorder; iba ang brand ng natanggap na item; umorder ng laptop ngunit mouse ang natanggap
APPAREL: Ang natanggap na damit ay iba ang kulay, design, o size; umorder ng shirt ngunit pantalon ang natanggap
CONSUMER GOODS: Ang natanggap na item ay iba ang amoy/kulay/flavor; umorder ng shampoo ngunit conditioner ang natanggap
INCOMPLETE/MISSING INCLUSIONS
Ang actual item na natanggap ay may nawawalang importanteng parte para gumana o magamit ito ng tama, o kaya’y may kulang na laman ayon sa patalastas
Halimbawa:
ELECTRONICS: Ang laptop na may free bag ay dumating nang walang bag; TV without remote control
APPAREL: Isang shirt lamang ang dumating sa inorder na buy one-take one shirt
ACCESSORIES: Ang kwintas na dumating ay nawawala ang pendant o nawawalang lock; ang sunglasses na dumating ay kulang ng isang lente
ITEMS WITH SIGNS OF USAGE
Ang dumating na actual item ay halatang may senyales na ginamit na, gaya ng: bukas na box, sirang seal, damage sa hitsura, may bakat ng kamay o daliri, kupas na kulay, dumi, atbp.
Halimbawa:
ELECTRONICS: Ang digital screen ay gasgas na; lubog na ang mga pindutan dahil sa labis na pagkagamit
APPAREL: Ang mga patterns at prints ay kupas na dahil sa kalumaan; mantsa na dulot ng paggamit
COSMETICS: Mga senyales ng gasgas at pagkapudpod dahil sa paggamit; bawas na ang laman ng mga liquid items di gaya ng nasa patalastas (hal. ang perfume bottle ay kalahati na lang ang laman)
DOUBT ON AUTHENTICITY / COUNTERFEIT ITEMS
Ang actual item na natanggap ay may senyales na pinirata o peke gaya ng: pekeng logo, mga features na pangit ang pagkakagaya, may virus sa mga electronic items, hindi gumagana nang maganda dahil sa pekeng materyales
Paano matutukoy ang mga pekeng items?
ELECTRONICS: Ang iPhone ay may ibang logo (sa halip na mansanas, ito ay ibang prutas)
APPAREL: Sinasabing sikat na brand ang item ngunit ang mga letra sa label nito ay iba sa authentic item; pangit na kalidad ng print ng isang popular na damit; ibang laki ng print kumpara sa popular clothing item; pangit na kalidad ng material na di gaya sa popular clothing item
ACCESSORIES: Natatanggal na print ng isang sikat na designer bag
EXPIRED ITEMS
Ang expiration date na nasa packaging ng actual item ay paso o lumipas na.
Paano matukoy ang expired items?
ELECTRONIC ACCESSORIES: Ang film para sa film camera ay nag-expireagad sa loob lamang ng dalawang araw mula nang dumating ang item o ang item ay natanggap nang lagpas na ang expiration date na nakalagay sa packaging
CONSUMER GOODS: Ang pagkain at inumin ay mas kaunti na ang bilang na pwede itong gamitin
Mga Dapat at Hindi Dapat gawin:
Sundin ang mga guidelines na ito bago isauli ang item pabalik sa Shopee Warehouse.
DAPAT na isama ang lahat ng accessories, freebies, manuals, warranty cards, at bundled items na kasamang dumating ng iyong order.
DAPAT tiyakin na ang original tags at labels ay nakakabit pa rin.
DAPAT na kuhanan ng litrato o maiksing video ang kondisyon ng item/s na isasauli bago ito ibalot at ipadala pabalik sa Shopee Warehouse.
DAPAT ipakita na lahat ng inclusions ay kumpleto at protektado mula sa damage gamit ang styrofoam, bubble wrap, atbp., at ang buong return package ay mahusay ang pagkakabalot para sa shipment.
HINDI DAPAT isauli ang mga items na ginamit o binago mo na.
HINDI DAPAT sirain ang item o ang packaging nito.
Alamin ang tungkol sa maaayos na pagbabalot ng iyong return order.