Hi, how can we help?

What is Phishing and how do I identify and avoid it? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ano ang Phishing?

Ang phishing ay isang uri ng cybercrime at nanloloko upang makuha ang access sa iyong mga sensitibong datos gaya ng credit card details, bank account information, at password gamit ang iba’t-ibang electronic communication.

 

Saan nangyayari ang mga phishing scams at anu-ano ang mga klase nito?

Sa pamamagitan ng mga electronic communication gaya ng email, text messages, fake websites, social media, at maging sa mga tawag. Ang mga phisher ay gagawin ang lahat upang magaya ang hitsura ng isang legitimate website.

 

  1. Email Phishing ang pinaka-karaniwang klase ng phishing. Nagkukunwari ito bilang isang legitimate organization o indibidwal at nagpapadala ng mga email sa iba’t-ibang tao upang linlangin ito na pindutin ng isang link na siyang kukuha ng iyong mga sensitive information.

 

Sample_1 Phising & tips to avoid EMAIL PHISHING.png

 

2. Spear Phishing ang paraan na ginagamit ng mga attacker upang direktang targetin ang isang tao o empleyado. Ang mga ganitong klase ng email ay personalized upang mapaniwala ang biktima na sila ay may kaugnayan o kakilala ng sender.

 

Sample_2 Phising & tips to avoid SPEAR PHISHING.png

 

 

  1. Whaling ang uri ng phishing na pakay ang mga senior executives, ang CEO ng isang kumpanya, o sinumang high-level executives na may access sa mas maraming sensitive information kaysa sa lower-level employees. Ang mga email ay naglalaman ng mga pahayag tungkol sa legal lawsuits sa kumpanya ng biktima at mayroong mga malicious links o attachments para sa di umano’y mga detalye nito.

 

Sample_3 Phising & tips to avoid WHALING.png

 

 

  1. Smishing ang phishing na gamit ang SMS o text messages. Ang mga attacker ay magpapadala ng text message na naglalaman ng mga link na maaaring nagkukunwari bilang coupon o pagkakataon para manalo ng isang bagay.

 

Sample_4 Phising & tips to avoid SMISHING.png

 

 

  1. Vishing ang voice phishing. Ang pambibiktima ay sinisimulan sa paggamit ng text messages at kalauna’y tatawag ito. Ang vishing call ay madalas na naglalaman ng voice message mula sa isang nagpapakilalang legitimate institution, gaya ng Shopee. 

 

Sample_5 Phising & tips to avoid VISHING.png

 

 

  1. Social Media Phishing ang tawag kung ang mga attacker ay gumagamit ng social networking sites upang makuha ang access sa iyong mga sensitive data at linlangin ka upang pindutin ang mga malicious links.

 

Sample_6 Phising & tips to avoid SOCIAL MEDIA PHISHING.png

 

 

Bakit tayo nabibiktima ng mga Phishing scam?

Ang mga phishers ay gumagamit ng mga paraan na kayang i-manipula kung paano tayo mag-isip. Maaari silang magpadala ng email na nagpapakilala bilang isang sikat na banking firm at hihingiin ang iyong mga personal information.

 

Halimbawang sitwasyon: Ang user ay nanalo ng isang iPhone/free voucher mula sa isang promo.

 

EXAMPLE SCENARIO Phising Scams.png

 

 

Narito ang mga paraan upang matukoy ang isang Phishing Method o Prize Scams:

 

Identify the Phishing Method or Prize Scams.png

 

Paano maiwasang maging biktima ng phishing scams

  • Laging i-update ang iyong mga device at mag-install ng mga karagdagang security software.
  • Huwag mag-download ng anuman online na sa palagay mo ay delikado.
  • Gumamit ng multi-factor authentication.
  • Laging busisiin ang mga information na hinihingi sa iyo at kontakin ang mismong organization para tulungan kang makatiyak.

 

How to avoid getting hooked into phising scams.png

 

Ano ang iba pang paraan upang mapanatiling ligtas ang aking personal information?

​​​​​​​Maayos na i-dispose ang iyong mga personal information mula sa packaging material ng iyong mga order. Maaari mong punitin o takpan ang iyong information gamit ang marker upang mapanatiling ligtas ang iyong personal details.

 

 

Alamin ang iba pang tungkol sa Data Privacy at ang 11 privacy tips upang protektahan ang iyong datos

 

Was this article helpful?
Yes
No