Hi, how can we help?

[Product Ratings] How do I rate and review a product? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Pag-rate ng produkto

Maaari mong i-rate ang isang produkto kapag nakumpleto na ang order. Ang mga returned, refunded, o canceled order ay hindi eligible para sa rating.


Upang mag-rate ng isang produkto, pindutin ang To Rate sa Me Tab ng Shopee App > pindutin ang Rate > I-rate gamit ang mga star (5 star ang pinakamataas) > Add Photo at/o Add Video > Magsulat ng review > Submit.


Rate-product-on-Shopee-App-TAGLISH.gif


Pagkatapos ay maaari mong i-rate ang Product Quality para sa bawat produkto sa order, at ang Seller Service at Delivery Service para sa order.



Pag-rate ang Product Quality

I-rate ang Product Quality gamit ang mga star (5 star ang pinakamataas) > Add Photo at/o Add Video > Magsulat ng review.


Rating-Product-Quality-TAGLISH.gif



Pag-rate ang isang order

I-rate ang Seller Service at Delivery Service para sa order gamit ang mga star (5 star ang pinakamataas). Kapag tapos ka na sa parehong product and order ratings, maaari mo nang pindutin ang Submit.


Rate-Seller-Service-and-Delivery-Service-TAGLISH.gif


📍 Mga Kahulugan

  • Product Quality - Ang kalidad ng produkto

  • Seller Service - Ang kalidad ng serbisyong ibinigay ng seller (hal. saloobin ng seller, pagiging matulungin sa pagsagot sa mga query)

  • Delivery Service - Serbisyo at kahusayan ng courier



⚠️ Tandaan

• Ang mababang rating para sa Delivery Service at Seller Service ay hindi kakalkulahin sa seller's overall product rating.

• Ang mga mababang rating para sa Kalidad ng Produkto ay kakalkulahin sa seller's overall product rating.

• Maaari mo ring itago ang iyong username sa pamamagitan ng pag-disable sa Show your username on your review toggle.

• Kailangan mong i-rate ang lahat ng 3 area bago mo maisumite ang iyong rating.



Pag-review ng isang produkto

Mayroong 3 elemento ng pagre-review ng produkto:

  • Text

  • Litrato (hanggang 5 bawat review)

  • Video (1 bawat review, 3 hanggang 60 segundo)


Kapag nagbigay ng review, dapat ay:

  • Gumamit ng magalang na pananalita.

  • Sumulat ng isang makatotohanang review batay sa iyong karanasan (hal., kung ang item na natanggap ay gaya ng inaasahan at kung ang item na natanggap ay tugma sa paglalarawan sa product listing).

  • Kuhanan ang produkto mula sa iba't ibang anggulo gamit ang litrato/video upang makapagbigay sa iba ng mas malinaw na paglalarawan ng aktwal na produkto. Maaari kang direktang kumuha ng litrato o video gamit ang Shopee app, o i-upload ang mga ito mula sa iyong device.

 

Hindi dapat na:

  • Magbigay ng walang katuturang feedback na hindi tungkol sa produkto, serbisyo ng seller, o serbisyo ng courier.

  • Gumamit ng sobra/paulit-ulit na emoji, salita, o character, na itinuturing na spam.

  • Gumamit ng wika o mga litrato/video na nakakasakit.

  • Mag-upload ng mga litrato/video na walang kaugnayan sa produkto, serbisyo ng seller, o serbisyo ng courier (hal., mga naka-black na larawan/video at larawan/video na hindi nagpapakita ng produkto)


Examples-of-poor-product-reviews-on-Shopee-App-IGFX-TAGLISH.gif



Maaari kang makakuha ng Shopee Coins mula sa product reviews na tugma sa mga sumusunod na criteria:


 

Para sa hanggang 0.2 Shopee Coins

Para sa hanggang 0.4 Shopee Coins

Ang review ay naglalaman ng hindi bababa sa 100 characters, maliban sa space (hal. "Magandang Kalidad" ay counted bilang 16 characters)

Ang review ay may hindi bababa sa 1 litrato

Ang review ay may 1 video

x

Ang review ay sumusunod sa aming product review guidelines



⚠️ Tandaan 

• Ang mga review na hindi sumusunod sa product review guidelines sa itaas ay aalisin ng Shopee at babawiin ang anumang Shopee Coins na iginawad.

• Walang dagdag na coins ang ibibigay para sa mga in-edit na review.

• Mag-iiba-iba ang mga coin reward depende sa kalidad ng review at sa item na ni-review. Ang huling desisyon ay nasa pagpapasya ng Shopee.

Was this article helpful?
Yes
No