Hi, how can we help?

How do I prevent the removal of my product review?

For the English version of this article, click here.


Pakitandaan na ang anumang mga review at responses na hindi sumusunod sa aming mga alituntunin ay aalisin ng Shopee.

Ang kaukulang Shopee Coins ay aalisin sa buyer. Narito ang ilang tip upang maiwasan ang pagtanggal ng iyong product review:


1. Magbigay ng maayos at relevant na product review ng produkto

  1. Magpakita ng larawan/video ng mismong produkto
  2. Gumamit ng angkop at magalang na pananalita kapag nagbibigay ng positibo o negatibong feedback
  3. Magbigay ng detalyadong feedback sa produkto (performance, quality, suitability) at/o serbisyo ng seller (shipping, attitude, customer service, packaging)
  4. Mag-attach ng larawan o video ng aktwal na item na natanggap at hindi yung blangko, malabo o ibang item




2. Iwasan ang pag-spam ng mga character o paglalagay ng random text para lamang punan ang word count at makakuha ng coins

  1. Ang mga text ay may magkakasunod at paulit-ulit na character o salita
  2. Ang mga text ay maraming labis na simbolo o emoji
  3. Ang mga text ay binubuo ng mga lyrics ng mga kanta, quote, o kahit anong laman na walang kaugnayan sa binili




3. Iwasang mag-upload ng mga larawan o video na walang kaugnayan sa produkto

  1. Walang kinalaman ang mga larawan sa produktong binili gamit ang mga graphics, emoji, at galaw ng katawan
  2. Wala sa larawan o video ang produkto (maaaring isang itim na screen lamang)
  3. Ang video ay may mga nakakalitong bagay na gumagalaw, o motion blur na walang kinalaman sa produkto




4. Iwasang gumamit ng bastos/mapang-abuso/walang galang na pananalita na may layuning insultuhin o pababain ang ibang tao (kahit na ang kabilang partido ang may kasalanan)

  1. May mga bulgar/mura/nangsusumpang salita (anumang wika o emojis),positibo o negatibo man ang feedback.
  2. May mga nakakasakit o mapoot na pananalita para sa isang partido/tao na may layuning manggulo, magbanta, o magpahiya sa kapwa.
  3. Ang pagbibintang sa kabilang partido na ito ay isang bogus seller/scammer
  4. Pagbabahagi ng sensitibong impormasyon na nauugnay sa pulitika, kasarian, relihiyon, kultura, at current events




5. Iwasang magbahagi ng anumang personal contact information at mga social media details na maaaring magamit upang makipag-transaksyon offline o sa labas ng Shopee 

  1. May mga personal na impormasyon tulad ng contact number, address, mga detalye ng bangko, personal ID, atbp
  2. Inilalantad ang personal na impormasyon ng ibang mga user gaya ng pangalan, username, email address, contact number, social media account, atbp.




6. Iwasang magbigay ng mga explicit at offensive references na tumutukoy sa sex o bodily function kapag nagbibigay ng mga product review

  1. Mga larawan/video na nagpapakita o naglalantad ng mga pribadong bahagi ng katawan na hindi na-censor o hindi wastong na-censor
  2. Mga larawan/video na may mga pose na sexually suggestive
  3. Mga simbolo/text/emoticon na naglalarawan ng mga sekswal na gawain



Alamin kung paano mag-rate at mag-review ng product.

Was this article helpful?
Yes
No