For the English version of this article, click here.
Ang program ay mayroong dalawang cycle: Enero 1 hanggang Hunyo 30 at Hulyo 1 hanggang Disyembre 31. Ang total na number ng nakumpletong orders at halaga ng nabili sa bawat 6-month cycle ang siyang magsasabi ng susunod mong loyalty tier. Ang refresh ay nangyayari tuwing Enero 1 at Hulyo 1.
Kung naabot na ang minimum number ng kumpletong orders at halaga ng nabili na kailangan para ma-upgrade sa susunod na tier habang nasa cycle, ito ay automatic na maga-upgrade agad sa sandaling makumpleto ang order habang nasa current cycle. Mananatili ang status na ito hanggang sa pagtatapos ng cycle.
Narito ang orders na kailangan para maitakda ang iyong Loyalty Tier:
Loyalty Tier | Corresponding orders |
Silver | Lahat ng user na may higit sa 10 ang order ngunit mas mababa sa 25 order sa nakaraang cycle |
Gold | Lahat ng user na may higit sa 25 ang order ngunit mas mababa sa 55 order sa nakaraang cycle |
Platinum | Lahat ng user na may higit sa 55 ang order |
⚠️ Tandaan Ang nakumpletong order ay equivalent sa order received. |
Halimbawa:
Kung naabot mo na ang 55 na order sa June 2025 (nakaraang cycle: Enero 1, 2025 hanggang Hunyo 30, 2025), ikaw ay magiging Platinum user sa current cycle (Hulyo 1, 2025 hanggang Disyembre 31, 2025). Upang mapanatili ang Platinum status hanggang sa susunod na cycle (Enero 1, 2026 hanggang Hunyo 30, 2026), kailangan mong maabot ang 30 orders at ₱30,000 na halaga ng nabili bago mag Disyembre 31, 2025.
JULY 1 REFRESH | |
COMPLETED ORDERS AND SPEND (JANUARY 1 TO JUNE 30 CYCLE) | LOYALTY TIER STATUS (JULY 1 TO DECEMBER 31 CYCLE) |
10 o higit pang order ngunit mas mababa sa 25 orders | Silver |
25 o higit pang order ngunit mas mababa sa 55 orders | Gold |
55 na order o higit pa | Platinum |
Alamin ang iba pang tungkol sa Shopee Loyalty Program.