Hi, how can we help?

Best Practices To Avoid Getting COD Blacklisted (TAG)

For the English version of this article, click here.



Narito ang mga tamang gawi at tips upang maiwasang ma-blacklist sa pagbabayad gamit ang COD.

 

1. Alamin kung kailan maaaring dumating ang iyong order

Ang produkto ay may iba’t ibang estimated delivery dates lalo na kung ang produkto ay mangagaling pa sa mga seller sa ibang bansa. Laging tingnan ang estimated delivery dates sa product page.

 

 

2. I-schedule nang maayos ang iyong mga order
Planuhing mabuti ang iyong mga order base sa expected delivery time para tugma ito sa iyong pangangailangan.

 

3. Ugaliing i-track ang iyong mga order
Laging i-track araw-araw ang status ng iyong order sa app para manatiling updated.

 

4. Maging available sa delivery date
Makikita sa tracking page kung kailan nasa transit ang iyong order para sa delivery. Dahil hindi laging nagpapadala ng SMS o tumatawag ang delivery rider, siguraduhing available ka para tanggapin ang order. Kung hindi ka available, maghanap ng representative na tatanggap ng order para sa'yo.
Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied