For the English version of this article, click here.
Kung hindi mo natanggap ang iyong verification code o ang One-Time Password (OTP) via SMS, ito ay maaaring dahil sa mga sumusunod:
1. Problema sa network o koneksyon
Maaari mong subukan ang mga sumusunod na basic troubleshooting techniques:
I-restart ang iyong phone
I-enable/disable ang airplane mode
Para sa dual sim phones, subukang palitan ang default telecom carriers
Subukang gumamit ng ibang mobile number na hindi connected sa anumang Shopee account at hindi ang iyong gamit na service provider.
Kung walang ibang alternative number, maaaring kontakin ang iyong service provider for further checking.
Tiyakin na puno ang signal ng iyong phone line.
Magpa-resend ng verification code (hanggang 4 na subok).
Patayin ang iyong mobile phone, tanggalin at ibalik muli ang SIM card, at buksan ito muli. Matapos ay muling mag-request ng verification code.
⚠️Tandaan • Ang pagtanggap ng OTP ay depende sa iyong network/telecom traffic. • Tiyakin na verified na ang iyong mobile number para ma-receive ang verification code. |
Maaari din subukan na i-clear ang Shopee app cache sa iyong device o sumangguni din sa aming Basic Troubleshooting Guide.
2. Ang account ay naka-link sa ibang phone number
I-check ang iyong profile information para matiyak na tama ang phone number na naka-link ang iyong Shopee account.
Kung patuloy pa din ang problema, kontakin ang Shopee Customer Service at ihanda ang mga sumusunod na detalye:
Shopee username
Petsa at oras kung kailan nangyari ang problema
Phone model at version nito (Android o iOS)
Service provider
Huling natatandaang page kung saan humingi ng verification code (hal., habang nagpa-password reset, naga-update ng bank account details, atbp.)
3. Alternative OTP method gamit ang Viber at WhatsApp
Kung hindi ka nakatanggap ng SMS, maaari mong i-check ang iyong OTP sa Viber o sa WhatsApp.